Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/92 p. 2
  • Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 9-15
  • Linggo ng Marso 16-22
  • Linggo ng Marso 23-29
  • Linggo ng Mar. 30–Abr. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 3/92 p. 2

Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 9-15

Awit 63

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itampok ang mga presentasyon sa magasin salig sa kasalukuyang mga isyu.

20 min: “Ihanda ang Inyong Presentasyon sa Marso.” (10 min.) Tanong-sagot. (8 min.) Inihandang mabuting mga pagtatanghal ng dalawa o tatlong iminungkahing mga presentasyon na angkop-na-angkop sa lokal na teritoryo. (2 min.) Pasiglahin ang lahat na pag-aralan at gamitin ang isa o higit pang mga iminungkahing presentasyon.

15 min: “Adan at Eba,” aklat na Nangangatuwiran, pahina 27-9. (5 min.) Pambukas na pahayag salig sa materyal na nasa ilalim ng “Sina Adan at Eba ba’y mga taong makatalinghaga lamang?” (6 min.) Pagtatanghal ng isang pagdalaw-muli sa isang tao na iniwanan ng katanungang “Ang kasalanan ba ni Adan ay kalooban ng Diyos, plano ng Diyos?” (4 min.) Magpasigla sa paggamit ng seksiyong “Kung May Magsasabi—” sa aklat na Nangangatuwiran para sa mga paksang tatalakayin sa mga pagdalaw-muli. Bumanggit ng mga karagdagang halimbawa.

Awit 30 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 16-22

Awit 215

10 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta, at tugon ng Samahan sa mga donasyon. Papurihan ang mga kapatid sa kanilang pinansiyal na tulong sa mga kapakanan ng Kaharian. Magpasigla para sa ekstrang pagsisikap na gumawa ng mga pagdalaw-muli sa linggong ito at sa buwang ito. Ang Pulong Ukol sa Paglilingkod na ito ay magpapaliwanag at magtatanghal ng tatlong presentasyon hinggil sa pagbabalik doon sa mga napaglagyan ng aklat na Worldwide Security. Pumili ng isa o higit pa para gamitin sa linggong ito.

20 min: “Pagpapasimula sa Usapan Kapag Kayo’y Bumabalik.” (3 min.) Pambungad na pahayag na sumasaklaw sa mga punto sa parapo 1 hanggang 2. (15 min.) Mga inihandang mabuting presentasyon sa parapo 3-5. (2 min.) Sa pamamagitan ng paggamit sa mga punto sa parapo 6, himukin ang lahat na maghanda at gamitin ang kahit na isa sa iminungkahing presentasyon upang pasimulan ang pakikipag-usap sa mga nagpakita ng interes.

15 min: “Kayo ba’y Makapag-aauxiliary Payunir?” Pag-uusap ng matanda at ng ilang mga mamamahayag na nakapag-auxiliary payunir na noong una at nagpaplanong magpayunir muli sa Abril at Mayo. Sa pagsaklaw sa mga punto sa artikulo, ipaliliwanag ng mga mamamahayag kung bakit nais nilang mag-auxiliary payunir. Kanilang ilalahad ang mga karanasan at mga pagbabagong kanilang ginawa upang abutin ang kahilingan sa oras. Pasiglahin ang lahat na isaalang-alang ang pribilehiyong ito ng paglilingkod kung ipinahihintulot ng kanilang mga kalagayan.

Awit 114 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 23-29

Awit 211

10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na anyayahan ang mga interesado sa pantanging pahayag sa Abril 5.

20 min: “Tiyaking Dumalaw-Muli.” Tanong-sagot at mga pagtatanghal. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 5, itanghal ang pagdalaw-muli sa isang taong napag-iwanan ng tract. Ang pag-uusap ay humantong sa pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Mabuhay Magpakailanman. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 6, itanghal ang pagdalaw-muli sa tao na tumanggi noong una sa literatura. Pagkatapos ng pagtatanghal, tanungin ang mamamahayag kung bakit siya nagpasiyang dumalaw-muli sa taong ito na ayaw tumanggap ng literatura noong unang dalawin.

15 min: “Papaano Tayo Makagaganti kay Jehova?” Pahayag salig sa artikulo sa Bantayan ng Disyembre 1, 1991, pahina 28-31.

Awit 133 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mar. 30–Abr. 5

Awit 115

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito, at Teokratikong mga Balita.

15 min: “Pagtangkilik sa mga Payunir.” Tanong-sagot at mga pakikipanayam. Idiin ang mga pagpapalang natanggap ng buong kongregasyon kapag nabibigyan ng kinakailangang pagtangkilik ang mga payunir. Kapanayamin ang mga payunir na itinatampok kung papaano sila natulungan sa kanilang ministeryo sa pagpapayunir ng mga matatanda at ng iba pa sa kongregasyon.

20 min: Pahayag sa kahalagahan ng pagbabasa ng mga kasulatan para sa Memoryal na nakalista sa pahina 3 ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa Abril 12-17. Nanaisin ng mga sambahayan na basahin ang mga ito nang magkakasama at talakayin ang kahalagahan ng okasyon. Makatutulong na basahin ang materyal sa ilalim ng “Lord’s Evening Meal” sa Insight, Tomo 2, pahina 268-71. Ang gayong paghahanda ay magpapalaki ng pagpapahalaga sa Memoryal at bubuklurin nito nang mas malapit ang mga sambahayan.

Awit 43 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share