Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/92 p. 6
  • Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Gumamit ng Iba’t ibang Brosyur sa Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 8/92 p. 6

Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian

1 Tumanggap man o hindi ng literatura sa Bibliya ang mga tao, mahalagang magbalik upang linangin ang anumang interes hanggat maaari.

2 Repasuhin ang notang inyong ginawa pagkatapos ng unang pagdalaw. Tiyakin ninyong magdala ng kopya ng literaturang inyong nailagay upang gamitin sa inyong pagbabalik.

Kung kayo ay nakapaglagay ng brochure na “Narito!”, maaari ninyong sabihin:

◼ “Noong huli tayong mag-usap, ipinakita ko sa inyo ang pabalat ng brochure na ito, at ating binasa ang isang kasulatan na nagpapatunay na, sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, ang Diyos ay maglalaan ng tirahan at trabaho para sa lahat. Subalit ipinangako rin ng Diyos na wawakasan ang sakit, katandaan, at kahit kamatayan. Mahirap bang paniwalaan iyon? [Hayaang sumagot ang maybahay.] Pansinin ang puntong ito sa parapo 4 ng brochure na iniwan ko sa inyo.” Basahin ang parapo, at isaalang-alang ang isa o dalawang kasulatang nakalista sa ibaba ng pahina. Nagsisimula na ang isang pag-aaral sa Bibliya!

3 Upang maihanda ang daan sa susunod na pagdalaw, maaari ninyong tapusin ang pag-uusap sa pagsasabing:

◼ “Sabihin pa, ang lahat ng ating tinalakay ay nasa Bibliya, subalit maraming tao ang nag-iisip kung talagang mapaniniwalaan ang sinasabi ng Bibliya. Sa susunod na pagdalaw ko, gusto kong gamitin ang ilang minuto upang isaalang-alang ang paksang ito sa inyo.” Sa inyong pagbabalik, pasimulan ang pagtalakay sa sub-titulong “Ang Aklat na Nagpapaliwanag ng Paraiso,” sa parapo 5 ng brochure.

4 Sa mga Teritoryong Kakaunting Literatura ang Nailagay: Ang ganito ring presentasyon ay maaaring gamitin sa pagdalaw sa mga tao na nagpakita ng interes subalit hindi kumuha ng literatura. Maaari kayong bumaling sa brochure na inialok ninyo sa unang pagdalaw. Maaaring kailanganing dumalaw ng ilang ulit na ginagamit lamang ang Bibliya at personal ninyong kopya ng brochure bago tumanggap ang maybahay ng isang brochure.

5 Maaaring ihanda ang maiinam na mga pagdalaw muli sa brochure na Pamahalaan sa paggamit ng materyal na nasa pahina 309-11 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 154-6 sa Ingles). O maaaring mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng pagtatanong ng: “Nalalaman ba ninyo na dalawang pag-asa ang inihaharap ng Bibliya? Ang isa ay ang mabuhay magpakailanman sa lupa. Ang brochure na ito ay nagpapaliwanag kung papaano mangyayari iyon.” Pagkatapos ay bumaling sa pahina 15 ng brochure, at basahin ang tatlong binanggit na kasulatan.

6 Kung kayo ay nakapaglagay ng literatura o nakipag-usap lamang hinggil sa Bibliya, may pananagutan kayong linangin ang interes. Pinasisigla namin kayong lahat ng magtakda ng panahon sa Agosto upang makibahagi sa nagliligtas-buhay na gawaing ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share