Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/92 p. 4
  • Mga Pambungad Upang Pumukaw ng Interes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pambungad Upang Pumukaw ng Interes
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Gumamit ng mga Mabibisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mga Mabibisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Mabisang Pambungad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Mabisang Paghaharap ng Aklat na Mabuhay Magpakailanman
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 9/92 p. 4

Mga Pambungad Upang Pumukaw ng Interes

1 Si Jesus ay dalubhasa sa paggamit ng mga pambungad. Malaki mang grupo o isang indibiduwal ang kaniyang kausap, nakuha niya ang pansin ng kaniyang tagapakinig sa pamamagitan ng personal na pagsasangkot sa kanila. Ipinakita niya ang kahalagahan sa kanila ng kaniyang paksa.—Mat. 5:3-12; Luc. 20:25-37; Juan 4:7-30.

2 Kailangan ang Patiunang Paghahanda: Upang makapukaw ng interes, ang ating pambungad ay dapat magsangkot sa indibiduwal, sa kaniyang ikinababahala, at dapat na magpakitang makatutulong sa kaniya nang personal ang pabalita ng Kaharian.

3 Sa paghahanda para sa ministeryo, repasuhin ang ikinababahala ng mga tao sa komunidad. Ano ang makatatawag-pansin sa isang kabataan? Sa isang matanda? Sa asawang lalake, babae, o sa mga magulang? Sa halip na gamitin ang parehong pambungad sa bawat pintuan, maghanda ng ilang mga pambungad at maging handang baguhin iyon ayon sa makikita ninyong tugon ng maybahay. Nagkaroon ng tagumpay ang ilang mamamahayag sa paggamit ng iba’t ibang pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran sa bawat pagkakataong gumagawa sila sa ministeryo sa bahay-bahay.—rs p. 9-15.

4 Sa buwan ng Setyembre, nanaisin ninyong gumamit ng isang presentasyong gaya nito:

◼ “Magandang umaga po. Naitanong namin sa ilan ninyong kapitbahay kung anong katangian ang nais nilang makita sa taong mamumuno sa iba. Maaari ko bang itanong kung anong katangian ang sa palagay ninyo’y siyang pinakamahalaga? [Hayaang sumagot. Sumang-ayon kung angkop.] Alam ba ninyong inilalarawan sa Bibliya ang mga katangian ng Isa na magiging tagapamahala ng sangkatauhan? Narito iyon sa Isaias 9:6, 7. [Basahin.] Ano sa palagay ninyo ang magiging pamumuhay sa ilalim ng gayong tagapamahala?” Hayaang sumagot at pagkatapos ay akayin ang pansin sa Awit 146:3, 4 at sa materyal sa aklat na Nangangatuwiran sa mga pahina 308-9 (p. 153-4 sa Ingles) hinggil sa pamamahala ni Jesus. O kaya ang brochure na Pamahalaan sa pahina 19 at 20 ang magagamit upang pumukaw ng higit na pag-uusap.

5 Kung ikaw ay nakikipag-usap sa mga may pamilya, ang sumusunod na presentasyon ay maaaring magbunga ng mabuti sa paggamit ng brochure na Tamasahin ang Buhay.

Pagkatapos ng lokal na pagbati, maaari ninyong sabihin:

◼ “Napapansin ba ninyong ang kagipitan sa araw-araw ay naghaharap ng tunay na hamon sa mga pamilya sa ngayon? [Hayaang sumagot.] May ideya ba kayo kung saan maaaring bumaling ang mga pamilya para sa mainam na payo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinabi ng May-akda ng pag-aasawa sa unang mag-asawang tao.” Basahin ang Genesis 1:28 at pagkatapos ay bumaling sa mga punto numero 55, 56, 68, at 69 ng brochure na Tamasahin ang Buhay at magpatuloy sa inyong pag-uusap.

6 Sa pagtulad sa pamamaraan ni Jesus sa pagkuha ng interes at pagsasangkot sa inyong mga tagapakinig sa pag-uusap, naipakikita natin sa tapat-pusong mga tao ang kahalagahan ng espirituwal na mga bagay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share