Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/93 p. 4
  • Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtulong sa Iba na Parangalan ang Ating Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Pagpapatibay ng Pananampalataya sa Maylikha ng Sangkatauhan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Ating Dakilang Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Aklat na Creation
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 6/93 p. 4

Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes

1 Dapat nating laging ipamalas ang isang marubdob, personal na interes sa mga taong ating nasusumpungan sa ministeryo sa larangan. Ang pagtatanong sa kanilang opinyon ay nagpapakita ng ating paggalang sa kanilang punto-de-vista. Ang mga katanungang ating ibinabangon ay maaaring pumukaw ng kanilang pag-iisip at pangyarihing sila’y magnais matuto nang higit pa.

2 Sa Hunyo ating iaalok ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Personal na repasuhin ang publikasyong ito at piliin ang itatampok na mga espesipikong punto. Sa pagtalakay sa mga punto mula sa aklat na Creation, buksan ito at iabot sa maybahay. Tumukoy ng espesipikong mga paksa at mga ilustrasyon.

3 Pagkatapos na ipakilala ang inyong sarili, maaari ninyong sabihin:

◼ “Sa makabagong daigdig na ito, makatuwirang bang maniwala na may isang Diyos na lumikha sa atin at sa magandang lupang ito na tinitirahan natin? [Hayaang sumagot.] Kapag ating minamasdan ang kababalaghan ng lupa at sansinukob, tayo ay nanggigilalas sa kaayusan at disenyo nito. Hindi ba ito nagpapatotoo sa pag-iral ng isang Maylalang? Pansinin ang pangangatuwiran ng Bibliya sa bagay na ito. [Basahin ang Hebreo 3:4.] Bawat gusali ay may disenyador at tagapagtayo. [Ilabas ang aklat na Creation at bumaling sa ilustrasyon sa pahina 114.]” Pagkatapos ay bumaling sa pahina 122 at basahin ang nakasulat sa ibaba ng larawan ng isang relo. Ang ilustrasyon at kasulatang sinipi sa pahina 127 ay maaaring gamitin din. Ang karagdagang mga punto ay maaaring masumpungan sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 291-5 (84-8 sa Ingles).

4 O maaari ninyong sabihin:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang kailangan upang masumpungan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagsasabi na kailangan nating kilalanin ang Diyos bilang ang Maylalang ng langit at lupa.” Basahin ang Apocalipsis 14:7, at pagkatapos ay buksan ang aklat na Creation sa pahina 140 at 141, mga parapo 24 at 25. Kung ang maybahay ay nagpakita ng interes, bumaling sa kabanata 19 at ipaliwanag kung papaanong malapit nang maging isang katunayan ang makalupang paraiso.

5 Kung ang maybahay ay nagpapahayag ng pag-aalinlangan sa pag-iral ng Maylalang, maaari ninyong sabihin:

◼ “Maraming mga tao ay sumasang-ayon sa inyo, lalo na’t nakikita ang lahat ng pagdurusa sa daigdig. Kung mayroong isang Diyos, bakit niya pinahihintulutan ang pagdurusa? May maiisip ba kayong makatuwirang paliwanag?” Depende sa tugon, maaari kayong magpatuloy sa pamamagitan ng paggamit ng kabanata 16 ng aklat na Creation. Ang karagdagan pang tugon na makatutulong ay masusumpungan sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 290 (p. 399-400 sa Ingles). May mga panahong maaaring angkop na iwan ang tract na Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya.

6 Ang ating tunguhin ay pagsikapang mapasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya. Kay laking pasasalamat natin sa pagkakaroon ng maganda ang pagkakalarawang aklat na ito na nagpapaliwanag sa katotohanan hinggil sa paglalang at nagbibigay dangal sa ating Dakilang Maylalang! Gamitin nawa nating mabuti ito sa buwan ng Hunyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share