Piliin ang Angkop na mga Litaw na Punto
1 Ano ang maaari nating gawin upang pasiglahin ang mga tao na basahin nang palagian Ang Bantayan at Gumising!? Kailangan nating ipakipag-usap ang mga kapanapanabik na punto kapag ating inirerekomenda ang mga magasin sa iba. Kung lubusan na nating kilala ang mga tao sa ating teritoryo at nasa isip natin sila kapag nagbabasa ng mga magasin, maaari nating hanapin ang mga litaw na punto na kukuha ng kanilang interes.
2 Sa ilang mga lugar ang mga tao ay magkakapareho ng kalagayan, anupat madaling malaman kaagad kung ano ang kinagigiliwan ng karamihan sa kanila. Subalit sa ilang lugar, maaari tayong makasumpong ng mga tao na ibat iba ang pinagmulan. Kung maraming litaw na mga punto ang taglay natin sa isipan, mapipili natin ang isa na pinakaangkop sa bawat tao na masusumpungan natin. Halimbawa, sa bawat isyu ng Gumising! may isang artikulo na pantanging isinulat para sa mga kabataan. Karaniwang nagugustuhan ng kalalakihan ang seksiyong “Pagmamasid sa Daigdig,” o mga artikulo sa siyensiya, samantalang ang mga ina ng tahanan ay nasisiyahan sa mga artikulo hinggil sa pamilya. Gamitin ang pang-unawa sa pagpili ng mga litaw na punto.
3 Huwag kaagad ilagay sa isang tabi ang matatandang isyu ng mga magasin kapag natanggap ninyo ang mga bago. Isang kapatid na lalake ang kadalasang nagpapakita ng tatlo o apat na isyu ng Ang Bantayan o Gumising! sa maybahay at hinahayaan ito na pumili ng nais niyang basahin.
4 Maraming tao bagaman may kaunting interes sa katotohanan ang hindi na sumulong hanggang sa punto na tumanggap ng pag-aaral sa Bibliya. Subalit maaaring linangin ang kanilang interes kung may palagiang dadalaw muli taglay ang bagong isyu ng mga magasin. Oo, ang palagiang pagdadala ng mga magasin sa isang ruta ng magasin ay nakatulong upang pakilusin ang mga tao na sa dakong huli ay sumang-ayong magkaroon ng isang palagiang pag-aaral sa Bibliya.
5 Sa pamamagitan ng palagiang paggamit ng angkop na mga litaw na punto, mapasisigla natin ang iba na magbasa ng mga magasin at marahil ay magpasimulang lumakad sa daan patungo sa buhay. (Mat. 7:14) Kung bibigyan natin ng maingat na pagsasaalang-alang ang mahalagang puntong ito, makatitiyak tayo ng pagpapala ni Jehova.