Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/92 p. 8
  • Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Payak at Mabisang mga Pagdalaw Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Tulungan ang Iba na Matutuhan ang Hinggil sa Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Enero
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Bumalik Upang Tulungan ang mga Tao na Makaalam Kung Papaano Sila Maaaring Mabuhay Magpakailanman
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 12/92 p. 8

Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw

1 Ang pagsasagawa ng mabibisang pagdalaw muli ay nagiging madali kapag ating inilalatag ang pundasyon sa unang pagdalaw. Ang aklat na Nangangatuwiran ay makatutulong sa atin upang gawin iyon.

2 Ang sumusunod na presentasyon ay salig sa ikalawang pambungad sa pahina 10 ng aklat na Nangangatuwiran, sa ilalim ng uluhang “Bibliya/Diyos.”

Pagkatapos ng isang palakaibigang pagbati, sabihin:

◼ “Nasusumpungan namin na parami nang paraming tao ang nakadarama ng kawalang katiyakan kung saan sila makakasumpong ng mga praktikal na kasagutan sa lumalaking suliranin sa araw-araw. Totoo rin ba ito sa inyo? [Hayaang sumagot.] Karaniwang bumabaling ang mga tao sa Bibliya para sa tulong. Ano ang palagay ninyo sa Bibliya?” Kung magpahayag ang maybahay ng pag-aalinlangan sa awtentisidad nito, ilabas ang tract na Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya, at basahin ang ikalawa at ikatlong parapo sa pahina 2. Kung sumang-ayon ang maybahay na ang Bibliya ay Salita ng Diyos, tingnan at basahin ang mga binanggit na kasulatan sa ikalawang parapo sa pahina 2 ng tract, at sa maikli ay talakayin ang mga ito sa kaniya.

3 Kung marami ang hindi naniniwala sa inyong teritoryo, subukin ang ikalimang pambungad sa pahina 10 ng aklat na Nangangatuwiran.

Maaari ninyong sabihin:

◼ “Dahilan sa lahat ng nagaganap na pagbabaka sa daigdig ngayon, maraming tao ang hindi makapaniwala sa Diyos. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng tract na ito hinggil sa mga tao, sa siyensiya, at sa Bibliya.” Pagkatapos ay basahin ang ikalimang parapo sa pahina 3 ng tract na Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya.

4 Magbangon ng mga Tanong Mula sa Tract Upang Ihanda ang Inyong Susunod na Pagdalaw: Isaplano na ang inyong unang pagdalaw ay maging pasimula lamang ng sunud-sunod na mga pagbisita. Huwag tumungo sa masyadong maraming detalye, subalit ipakita sa maybahay na tunay kayong interesado sa kaniya. Matapos basahin ang dalawa o tatlong mga parapo mula sa tract, magbangon ng katanungan na maaaring talakayin sa pagdalaw sa hinaharap.

5 Halimbawa, maaari ninyong akayin ang pansin sa ikatlong parapo sa pahina 4 at magtanong: “Sa palagay kaya ninyo’y naglalaan ang Bibliya ng sapat na patotoo upang magtiwala sa sinasabi nito hinggil sa hinaharap?” Ito’y maglalatag ng pundasyon para sa pagdalaw muli, kung kailan maaari ninyong talakayin ang mga kabanata 9 at 10 sa Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?

6 Kung tunay na interesado ang maybahay, maaari siyang kumuha ng aklat na Salita ng Diyos at ng New World Translation sa unang pagdalaw. Kung gayon, maaari ninyong akayin ang pansin sa mga punto sa Kabanata 10 ng aklat at magbangon ng mga tanong na sasagutin sa susunod ninyong pagdalaw. Kung minamalas natin na ang bawat maybahay ay isang potensiyal na alagad, pagsisikapan nating gamitin ang ating pangwakas na pananalita upang ilatag ang pundasyon para sa isang pagdalaw muli.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share