Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Enero
1 Ipinag-utos ni Jesus sa kaniyang mga alagad na maging mga guro ng mabuting balita. (Mat. 28:19, 20) Ang gayong pagtuturo ay pangunahing ginagawa sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kayo ba ay nakikibahagi sa gawaing ito? Kung hindi, papaano ninyo pasisimulan ang isang pag-aaral upang tamasahin ninyo ang ibayong bahagi sa pagtuturo sa iba?
2 Marahil ay nabigyan natin ang maybahay ng isang kopya ng tract na Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? at nangakong babalik upang talakayin ang nilalaman nito.
Kapag binabalikan ang maybahay na napag-iwanan natin ng tract, maaari nating sabihin:
◼ “Nang ako’y naririto mga ilang araw na ang nakararaan, tinalakay natin kung papaanong inihula ni Jesus ang mga kalagayang umiiral sa ating panahon. Nais kong isaalang-alang sa maikli ang ilang impormasyon mula sa tract na aking iniwan sa inyo. Pansinin kung ano ang sinasabi sa ilalim na sub-titulong ‘Ang Tanda.’” Bumaling sa pahina 3 ng tract, at talakayin ang unang dalawa o tatlong parapo sa ilalim ng sub-titulong iyon, na binabasa ang binanggit na mga kasulatan. Isaayos na bumalik at talakayin ang sumusunod na ilang mga parapo. Pasiglahin ang maybahay na basahin ang mga ito bago kayo bumalik.
3 O maaari ninyong sabihin ang gaya nito:
◼ “Noong huli tayong mag-usap, nag-iwan ako sa inyo ng tract na pinamagatang Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? Noo’y binasa natin ang mga salita ni Jesus sa Juan 17:3. [Basahin.] Yamang mahalaga na matutuhan natin ang tungkol sa Diyos at kay Jesus kung nais natin ng buhay na walang hanggan, kapakipakinabang na kunin natin ang gayong kaalaman. Nang si Jesus ay naririto sa lupa, ipinamalas niya ang maraming kamangha-manghang mga katangian ng Diyos. Kaya habang marami tayong natututuhan hinggil kay Jesus at sa kaniyang ministeryo, lalo namang natututo tayo hinggil sa kaniyang Ama. Pansinin kung ano ang sinasabi ng aklat na ito na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.” Basahin ang una at ikalawang parapo ng ika-sampung pahina ng kabanata 116. Ipakita ang pamagat ng mga kabanata, mga ilustrasyon, at ang mapa sa pasimula ng aklat. Pagkatapos ay ialok ang aklat o, kung dati nang kumuha ng aklat ang maybahay, isaayos na bumalik upang ipagpatuloy ang inyong pag-uusap.
4 Pagkatapos batiin ang maybahay na tumanggap ng aklat na “Pinakadakilang Tao,” maaari nating sabihin:
◼ “Gaya ng binanggit ko sa aking nakaraang pagdalaw, ang aklat na Pinakadakilang Tao ay dinisenyo para sa pag-aaral ng Bibliya. Nais kong itanghal sa inyo sa maikli kung papaano mas mabisang magagamit ito.” Buksan ang aklat sa kabanata 1, “Mga Mensahe Mula sa Langit.” Basahin ang unang tanong, pagkatapos ay isaalang-alang ang pasimulang mga parapo. Bumaling sa ilustrasyon sa ikalawang pahina. Talakayin ang natitirang mga katanungan, at itampok ang mga sagot habang ipinahihintulot ng panahon. Bago tapusin ang pagdalaw, isaayos na bumalik at ipagpatuloy ang pag-uusap.
5 Sa pamamagitan ng pagpapanatili sa isang positibong saloobin, paghahandang mabuti, at pagsasamantala sa lahat ng pagkakataon, masasangkapan tayong mabuti upang mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa Enero.