Sanayin ang Inyong Sarili na ang Tunguhin ay Maka-Diyos na Debosyon
1 Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay pasulong na nagsasanay sa atin na ‘gumamit na matuwid sa salita ng katotohanan.’ (2 Tim. 2:15) Kasali ba kayo rito? Kung hindi pa at kayo’y kuwalipikado, bakit hindi makinabang sa pamamagitan ng pagpapatala ngayon?
2 Ang isang mahalagang bahagi ng paaralan ay ang lingguhang palatuntunan ng pagbabasa ng Bibliya. Ang inyong personal na eskedyul ng pag-aaral ay dapat na maglakip sa pagbabasa ng iniatas na mga kabanata upang mabasa ninyo sa takdang panahon ang buong Bibliya.
3 Pasimula sa eskedyul ng paaralan sa 1993, ang pagbasa sa Bibliya na sinasaklaw ng Pahayag Blg. 2 ay babasahin sa kabuuan nang walang paghinto. Ito’y nangangahulugang ang estudiyante na naatasan ng pahayag na ito ay magbibigay ng paliwanag sa kaniyang pambungad at konklusyon lamang. Ang kapatid na inatasan sa tampok na bahagi ng Bibliya ay dapat na magkomento nang maikli lamang sa mga talatang iniatas sa Pahayag Blg. 2 upang ang tagapagsalita sa pahayag na iyon ay lubusang makabuo ng kaniyang impormasyon mula sa binabasang bahagi sa Bibliya.
4 Mamarkahan ng tagapangasiwa sa paaralan ang Speech Counsel slip ng nagbibigay ng mga Pahayag Blg. 2, 3, at 4. Hindi niya kailangang sunding sunod-sunod ang nasa counsel slip kundi maaaring magbigay ng payo sa mga punto na kailangang pasulungin ng estudiyante. Hindi kailangang markahan ang counsel slip ng tagapagsalita na nagbibigay ng Atas Blg. 1, bagaman maaaring ibigay ang pribadong payo kung kinakailangan.
5 Ang lahat ng kuwalipikado ay dapat na lubusang magsamantala sa pagsasanay na ibinibigay sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Ang gayong pagsasanay ay maaaring umakay sa higit na mabungang ministeryo.—1 Tim. 4:7.