Pasiglahin ang Paglago sa Pamamagitan ng Makabuluhang mga Pagdalaw Muli
1 Upang matulungan ang mga nagpapamalas ng interes, mahalaga na paglaanan natin sila ng daloy ng espirituwal na pagkain sa pamamagitan ng regular na mga pagdalaw muli. Ang ating mga pasulong na pagdalaw ay makatutulong upang mapasigla ang kanilang espirituwal na paglago. (1 Cor. 3:6-9) Gayunpaman, upang ang ating mga pagdalaw ay maging makabuluhan, mahalaga na tayo’y maghanda nang patiuna, taglay sa isipan ang taong iyon.
2 Pagdalaw Muli sa mga Napag-iwanan Natin ng Tract: Marahil ang tract na Mapayapang Bagong Sanlibutan ay nailagay sa unang pagdalaw.
Pagkatapos ng maikling pagrerepaso sa napag-usapan noon, maaari nating itanong:
◼ “Anong pamahalaan ang makagagawa ng ganitong mga pagbabago? [Hayaang magkomento.] Walang alinlangang tatamasahin ninyo ang kasiyahang mamuhay sa kalagayang gaya nito. Papaano ito magiging posible?” Pagkatapos ay isaalang-alang ang materyal sa ilalim ng sub-titulong “Papaano Ito Posible Para sa Inyo.” Kapag nagpakita ng interes, maaaring akayin ang pansin sa aklat na Mabuhay Magpakailanman, Kabanata 15, “Pagiging Isang Sakop ng Pamahalaan ng Diyos.” Maaari nating talakayin ang unang dalawang parapo at pagkatapos ay magtanong: “Papaanong ang pagkatuto hinggil sa Diyos ay makakaapekto sa atin?” Sagutin ang katanungan at isaayos na ipagpatuloy ang pagtalakay sa susunod na dalaw.
3 Sa pagdalaw sa mga napag-iwanan ng brochure na “Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?,” maaari nating sabihin:
◼ “Nang huli kong pagdalaw sa inyo ating pinag-usapan ang maraming suliraning nakaharap sa sangkatauhan at kung ano ang ipinangako ng Diyos na gagawin hinggil dito. Gayunpaman, bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa sa napakatagal na panahon? Ang sagot ay masusumpungan sa bahagi 6 ng brochure na iniwan ko sa inyo.” Pagkatapos na isaalang-alang ang ilang mga parapo, maaari tayong magtanong: “Ano ang kailangan natin upang makinabang mula sa mga pangako ng Diyos?” Ang materyal sa Bahagi 11, “Binubuo na Ngayon ang Saligan ng Bagong Sanlibutan,” sa mga pahina 28-31, ay maaaring itampok upang talakayin sa susunod na dalaw.
4 Pagdalaw Muli sa mga Napag-iwanan Natin ng mga Magasin: Kung ang napili ninyong espisipikong artikulo ay kumuha ng interes ng maybahay, gamitin ang karagdagang mga punto mula sa artikulo sa inyong pagbabalik, na itinutuon ang pansin sa isang susing teksto at sa materyal na tumatalakay nito. Gayundin, maaaring akayin ang pansin sa susunod na isyu ng magasin kung ito’y naglalaman ng artikulo sa paksa ding iyon. Kung hindi, maaaring bumaling tayo sa materyal sa aklat na Mabuhay Magpakailanman sa paksang iyon at isaayos na talakayin ito sa susunod nating pagdalaw.
5 Ang pagpapakita natin ng personal na interes sa pamamagitan ng regular na mga pagdalaw muli ay magtatanghal ng ating pag-ibig sa kaniya at kay Jehova. (Juan 13:34, 35) Nawa’y patuloy tayong magpasigla sa espirituwal na paglago niyaong mga nasa teritoryo natin sa pamamagitan ng regular na paggawa ng makabuluhang mga pagdalaw muli.