Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/96 p. 8
  • Mangaral Taglay ang Unawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mangaral Taglay ang Unawa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kaalaman Mula sa Diyos ay Sumasagot sa Maraming Katanungan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Kung Paano Iaalok ang Aklat na Itinuturo ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Ipaalam sa Lahat na ang Pambuong Daigdig na Katiwasayan ay Malapit Na
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 1/96 p. 8

Mangaral Taglay ang Unawa

1 Ang pagkakaroon ng unawa ay humihiling na maiintindihan natin ang ilang bagay hinggil sa mga taong ating pinangangaralan. Bakit? Sapagkat ang ating tagumpay sa pag-abot sa mga puso ng tao ay depende sa ating kakayahan na iharap ang mensahe ng Kaharian sa paraang makaaakit sa kanila. Sa buwan ng Enero, ating iaalok ang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, o ang aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan? Ang sumusunod na mga mungkahi ay maaaring makatulong.

2 Kapag nag-aalok ng aklat na “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos,” maaari kayong magsimula sa pagsasabing:

◼ “Kapana-panabik makasumpong ng mga tao na may iba’t ibang relihiyon. Subalit hindi ba ninyo napapansin na ang karamihang tao ay nasisiyahan na lamang sa relihiyon ng kanilang mga magulang sa halip na hanapin ang Diyos sa ganang sarili? [Hayaang magkomento.] Ang aklat na ito, Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, ay nagsusuri sa mga aral ng pangunahing mga relihiyon at inihahambing ang mga ito sa Bibliya. Pansinin ang limang katanungang ito dito sa pahina 17, parapo 28, na makatutulong sa atin na masuri ang ating pananampalataya kahambing ng Bibliya.” Basahin sa maikli ang mga katanungan at pagkatapos ay anyayahan ang maybahay na kunin ang kanilang aklat at suriin nang personal ang mga katanungang ito. Hilingang kayo’y makabalik ukol sa higit pang pagtalakay.

3 O, pagkatapos ipakilala ang sarili, maaari ninyong sabihin:

◼ “Dahilan sa napakaraming relihiyon sa ngayon, naisip na ba ninyo kung papaano natin matitiyak kung ang ating relihiyon ay sinasang-ayunan ng Diyos?” Pagkatapos magkomento ng maybahay, bumaling sa pahina 377 ng aklat na Paghahanap sa Diyos at ipakita ang sampung paraan upang makilala natin ang tunay na relihiyon. Akayin ang pansin lalo na sa punto numero 6, at basahin ang Mikas 4:2-4. Pagkatapos ay itanong sa maybahay kung ilan sa mga relihiyon ngayon ang nakatutugon sa kahilingang ito. Ialok sa kaniya ang aklat upang suriin at isaayos na bumalik upang talakayin ang paksang ito nang higit pa.

4 Nasumpungan ng marami na ang basta pagtungo sa isang kabanata sa aklat na Paghahanap sa Diyos na tumatalakay sa relihiyon ng maybahay ay tumutulong upang makuha ang kaniyang pansin. Nanaisin ninyong subukan ito lalo na sa mga hindi Kristiyano.

5 Kung piliin ninyong ialok ang aklat na “Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Paano Mo Masusumpungan?” maaari kayong bumaling sa ilustrasyon sa pahina 4 at sabihin:

◼ “Ang ilustrasyong ito ay nagpapakita kung ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa layunin ng Diyos para sa lupa. Ano sa palagay ninyo ang kailangan upang kayo ng inyong pamilya ay mabuhay sa isang paraisong lupa? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagpapakita na ang tunay na kapayapaan at katiwasayan ay malapit nang maging totoo sa buong lupa at na ang Paraiso ay muling ibabalik. [Basahin ang Awit 37:10, 11.] Ang aklat na ito ay magpapakita sa inyo kung ano ang kailangan ninyong gawin upang makinabang sa isasagawa ng Diyos. Nais kong iwan sa inyo ang kopyang ito.”

6 Ang malalim na pagkaunawa ay tutulong sa atin na madama ang pangangailangan at interes ng mga tao na ating nasusumpungan. Ang Kawikaan 16:23 ay nagbibigay sa atin ng katiyakan dito, sa pagsasabing: “Ang puso ng pantas ay nagpapangyari sa kaniyang bibig na maghayag ng unawa, at sa kaniyang mga labi ay idinaragdag nito ang panghihikayat.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share