Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/96 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Progresibong Pangmalas sa Apurahang Gawain ng Paggawa ng mga Alagad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kung Paano Gagawa ng mga Alagad Taglay ang Aklat na Kaalaman
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 10/96 p. 7

Tanong

◼ Gaano katagal dapat na idaos ang isang pormal na pag-aaral sa Bibliya sa isang indibiduwal sa aklat na Kaalaman?

Pinagpapala ni Jehova ang kaniyang organisasyon sa ngayon. Ating nakikita ang katunayan nito sa bawat taon habang libu-libong mga baguhan ang naninindigan sa katotohanan. Ang aklat na Kaalaman ay napatunayang isang mabisang kasangkapan sa pagsasakatuparan nito. Ang Enero 15, 1996, isyu ng Ang Bantayan ay nagpapakitang ang aklat na ito ay dinisenyo upang tulungan ang estudyante sa Bibliya na sumulong nang mabilis sa espirituwal, marahil hanggang sa punto ng bautismo sa loob ng ilang buwan.

Dahilan dito, ang gayunding Bantayan, pahina 17, ay nagpayo: “Kapag nakumpleto na ng isa ang kaniyang pag-aaral ng Bibliya sa aklat na Kaalaman at siya’y nabautismuhan na, maaaring hindi na kailangang magdaos pa sa kaniya ng isang pormal na pag-aaral sa isa pang aklat.”

Ano naman ang tungkol sa isang tao na hindi nagpapabautismo pagkatapos na makumpleto ang aklat na Kaalaman? Ang Hunyo 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 6, parapo 23, ay nagpaalaala sa atin kung ano ang sinabi ng Ang Bantayan hinggil sa hindi na pakikipag-aral ng karagdagang mga aklat sa estudyante pagkatapos na makumpleto ang aklat na Kaalaman. Ito ba’y nangangahulugan na hindi na tayo interesado sa pagtulong sa isang estudyante sa Bibliya pagkatapos nito? Hindi. Nais nating tumanggap ang mga tao ng saligang kaalaman sa katotohanan. Gayunpaman, inaasahan na sa loob ng maikling yugto ng panahon, ang isang mabisang guro ay makatutulong sa isang taimtim na estudyante na magtamo ng sapat na kaalaman upang gumawa ng pasiyang maglingkod kay Jehova. Kaipala’y ang ilang estudyante sa Bibliya ay magnanais na mag-aral nang higit pa kaysa sa minsan sa isang linggo.

Totoo na ang ilang estudyante ay mas mabagal sumulong kaysa iba. Subalit kung pagkatapos pag-aralan ang aklat na Kaalaman, na marahil ay mas matagal kaysa sa pangkaraniwan, ang tao ay hindi nagpasiyang makisama sa kongregasyon, makabubuting ipakipag-usap ito ng mamamahayag sa isang matanda na nasa Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon. Kung may di-karaniwang mga kalagayan na nasasangkot, ang karagdagang tulong ay maaaring kailanganin. Ito ay kasuwato ng simulaing nakasaad sa mga parapo 11 at 12 sa pahina 17 ng Enero 15, 1996 ng Bantayan.

Ang pagpapahalaga kahit na sa saligang kaalaman ng katotohanan ay dapat magpakilos sa estudyante na dumalo sa Kristiyanong mga pulong. Ito’y maaaring umakay sa estudyante na magbigay ng tiyak na ebidensiya ng kaniyang pagnanais na maglingkod kay Jehova. Kung ang gayong espirituwal na pagpapahalaga ay hindi nakikita pagkatapos na maidaos ang pag-aaral sa aklat na Kaalaman sa mas mahabang panahon, kaipala’y makabubuting ihinto na ang pag-aaral.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share