Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/97 p. 7
  • Kusang Paghahandog ng Ating Sarili

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kusang Paghahandog ng Ating Sarili
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kusang-Loob na Paghahandog ng Sarili Para sa Bawat Mabuting Gawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mga Paraan Para Mapalawak ang Iyong Ministeryo
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • “Hanapin Muna ang Kaharian”
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 8/97 p. 7

Kusang Paghahandog ng Ating Sarili

1 Ang salmistang si David ay humula na ang bayan ni Jehova ay “kusang maghahandog ng kanilang sarili.” (Awit 110:3) Bilang katuparan nito, bawat taon sa nakaraang apat na taon ng paglilingkod, ang bayan ni Jehova ay nag-ukol ng mahigit sa isang bilyong oras sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Kaharian. At marami pa ang paraan, bilang karagdagan sa pangangaral at paggawa ng alagad, na kusa nating maihahandog ang ating sarili upang tulungan ang iba.

2 Mga Paraan Upang Maipakita Natin ang Ating Pagkukusa: Ang ilan sa kongregasyon ay maaaring nangangailangan ng tulong upang makadalo sa mga pulong. Bakit hindi magboluntaryo upang sila’y isama ninyo? Ang iba ay maaaring may sakit, may kapansanan, o naospital. Maaari bang dalawin ninyo sila o makatulong sa ibang paraan? Naisip na ba ninyo na anyayahan ang mga nangangailangan ng pampatibay-loob upang sumama sa inyong pampamilyang pag-aaral sa pana-panahon? Ang isang payunir o mamamahayag ay maaaring nangangailangan ng kasama sa ministeryo. Bakit hindi anyayahan siyang gumawang kasama ninyo sa paglilingkod? Ang mga ito ay ilan sa mga pamamaraan upang kusa nating gawin kung ano ang mabuti sa mga kaugnay sa atin sa pananampalataya.—Gal. 6:10.

3 Maipakikita ng mga kapatid na lalaki ang kanilang pagkukusa sa pamamagitan ng pagsisikap na maabot ang mga kuwalipikasyon para sa matatanda at ministeryal na mga lingkod. (1 Tim. 3:2-10, 12, 13; Tito 1:5-9) Habang tayo ay patuloy na dumarami, may pangangailangan para sa karagdagang kuwalipikadong mga kapatid na kusang manguna sa pangangaral at pagtuturo at pagpapastol sa mga kongregasyon.—1 Tim. 3:1.

4 Marahil ang ilan sa atin ay magagamit ang sarili sa paglilingkod kay Jehova nang higit sa pamamagitan ng pagpapatala bilang mga auxiliary pioneer sa pana-panahon. Gayundin, sa pamamagitan ng ilang pagbabago sa ating iskedyul, maaari tayong mag-auxiliary pioneer nang patuluyan o kunin ang paglilingkod bilang regular pioneer. Ang atin bang mga kalagayan ay nagpapangyari na tayo’y lumipat sa lugar kung saan nangangailangan ng mas malaking tulong? Pinahahalagahang mabuti yaong mga kusang naghandog ng sarili para sa maiinam na gawang ito at sila’y mayamang pinagpala!—Luc. 6:38.

5 Kailanma’t ipinaaabot ni Jehova ang paanyaya sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon na makibahagi sa pinalaking gawaing pang-Kaharian, makabubuting tanungin ang ating sarili, ‘Ako ba’y kusang naghahandog pa rin ng aking sarili?’ Ang ating makadiyos na debosyon ay mag-uudyok sa atin na gawin ang buong makakaya natin sa banal na paglilingkod, anupat lubos na pinagagalak ang puso ni Jehova!—Zef. 3:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share