Gamiting Mabuti ang mga Handbill
1 Ang mga handbill sa kongregasyon ay mahalaga upang maipabatid sa mga tao sa komunidad ang direksiyon ng Kingdom Hall at ang tamang oras ng mga pulong. Makabubuting mag-iwan ng isa sa bawat taong inyong nasusumpungan. Dahilan dito, ang bawat kongregasyon ay dapat mag-ingat ng sapat na suplay ng mga handbill sa istak. Kapag ang mga kongregasyon ay nagpalit ng oras ng pulong, kailangang pididuhin ang mga bagong handbill upang magkaroon ng suplay na nagtataglay ng kasalukuyang mga oras ng pulong. Ang Handbill Request form ay dapat gamitin sa layuning ito. Minsang magkaroon ng mga ito, paano magagamit ang mga handbill sa pinakamabuting paraan?
2 Nasumpungan ng maraming mamamahayag na ang pagbibigay ng isa nito sa isang tao ay isang mabisang paraan upang ipakilala ang sarili at pasimulan ang mga pag-uusap. Ang pagpapakita sa iskedyul ng pulong o ng mensaheng nasa kabilang panig ay maaaring magbukas ng daan para sa isang pag-uusap hinggil sa ating gawain at sa layunin nito. Maaaring isali ng mga magulang ang kanilang kabataang anak sa ministeryo sa pamamagitan ng pag-aalok nila ng handbill sa pintuan. Ang mga mamamahayag na nakikibahagi sa pagpapatotoo sa pamamagitan ng sulat ay dapat na maglakip ng isang handbill sa kanilang sulat at anyayahan ang tao na dumalo sa mga pulong. Maaaring iwan ang mga handbill sa mga wala-sa-tahanan, sa kondisyong gagawa ng pag-iingat na ilagay ang mga ito sa ilalim ng pintuan na hindi makikita sa labas.
3 Ang mga handbill ay naging kasangkapan sa pag-akay sa mga tapat-pusong tao sa katotohanan. Ang isang karanasan ay nagsasabi hinggil sa isang babae na, dahilan sa isang handbill, nagkaroon ng katuparan ang buong-buhay na pangarap niya na maunawaan ang Bibliya. Pagkatapos na siya’y gumugol ng isang gabi sa pananalangin sa Diyos, isang mag-asawang Saksi ang tumimbre sa kaniyang pintuan sa kinaumagahan. Samantalang nakasilip sa isang butas, sinabi niyang mahirap para sa kaniya na buksan ang pinto. Ipinasok ng mga Saksi ang isang handbill sa ilalim ng pinto. Ito ay kababasahan: “Alamin ang Iyong Bibliya.” Kaniyang nakita ito at binuksan ang pinto. Isang pag-aaral ang karaka-rakang napasimulan, at sa dakong huli siya’y nabautismuhan. Na hindi kailanman hinahamak ang kapangyarihan ng espiritu ng Diyos, palagian nawa nating gamiting mabuti ang mga handbill habang lubusan nating isinasagawa ang ating ministeryo.—Tingnan din ang Pebrero 1994 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1.