Teokratikong mga Balita
◼ Ang mga bansang Benin, Cameroon, Côte d’Ivoire, Ghana, Liberia, at Nigeria sa Kanlurang Aprika ay pawang nakaabot ng bagong mga peak ng mamamahayag noong Pebrero.
◼ Maraming nagsilikas ang nagsisibalik sa Liberia, at talagang gutom sa katotohanan ang lupaing ito. Ang kanilang peak na 2,286 na mamamahayag noong Pebrero ay nag-ulat ng 6,277 pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
◼ Ang Macao ay nagkaroon ng 16 na porsiyentong pagsulong sa mamamahayag kung ihahambing sa aberids noong nakaraang taon, na may 135 nag-ulat noong Pebrero.
◼ Mula sa Timog Pasipiko, ang Fiji, Solomon Islands, at Tahiti ay pawang nag-ulat ng bagong mga peak ng mamamahayag noong Pebrero.
◼ Naabot ng isla ng Madagascar ang isang bagong peak ng mamamahayag na 9,484, at ito’y 14 na porsiyentong pagsulong kaysa sa aberids noong nakaraang taon. Nag-ulat din sila ng mahigit na 20,000 pantahanang pag-aaral sa Bibliya noong Pebrero.