Paglinang ng Pagpapahalaga sa The Bible—Mankind’s Oldest Modern Book
Ang sumusunod na mga tanong ay nagtatampok sa mga punto na maaari mong nabigyan ng pansin sa panonood ng video na ito: (1) Anong mga katotohanan ang nagpapakita na ang Bibliya ay walang kapantay? (2) Magbigay ng isang halimbawa kung paanong ang Bibliya, bagaman matanda na, ay kasuwato ng makabagong siyensiya. (3) Paano natin matitiyak na ang Bibliya sa ngayon ay hindi nagbago mula sa orihinal na mga kasulatan? (4) Ano ang pambihirang katangian ng teksto ng sinaunang mga manuskrito ng Bibliya, at anong pagtitiwala ang ikinikintal nito sa iyo? (5) Sa anong mga paraan nakatulong sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa palibot ng daigdig sina John Wycliffe, Johannes Gutenberg, William Tyndale, Mary Jones, at Charles Taze Russell? (6) Paano buong bangis na sinalansang ng simbahan ang Bibliya, ngunit ano ang nagpangyari upang makarating ito hanggang sa ating kapanahunan? (7) Gaano na kalawak nakapagsalin at nakagawa ng Bibliya ang organisasyon ni Jehova? (8) Paanong ang praktikal na payo ng Bibliya ay nakatulong sa mga tao sa pagharap sa mga suliranin ng walang-habas na pagsusugal (1 Tim. 6:9, 10), paghihiwalay ng mag-asawa at kataksilan (1 Cor. 13:4, 5; Efe. 5:28-33), at pagkagumon sa materyal na mga kayamanan (Mat. 16:26)? (9) Ano ang katibayan na sa pagkakapit ng mga simulain sa Kasulatan ay mapagtatagumpayan ang pambansa, pang-etniko, at panlahing pagkakapootan sa daigdig? (10) Sa anong mga paraan magdadala sa iyo ng higit na kaligayahan ang pagkaalam ng nilalaman ng Bibliya? (11) Sino sa palagay mo ang makikinabang mula sa video na ito, at paano mo ihaharap ito sa kanila?