Tanong
◼ Wasto bang ilagay ang ating personal na e-mail address sa mga literaturang ipinamamahagi natin?
Ang ilang mamamahayag ay naglalagay ng kanilang e-mail address sa mga magasin o tract na ipinamamahagi nila sa iba. Kaya makokontak ng mga tumanggap ng literatura ang mga mamamahayag upang humingi ng karagdagang impormasyon. Mabuti naman ang intensiyon ng mga kapatid na ito upang tulungan ang mga interesado. Gayunman, nasa likod na ng mga magasin at tract ang ating opisyal na Web site. Kaya makabubuting huwag nang ilagay ang personal na e-mail address sa mga literatura.
Personal na desisyon ng mamamahayag kung magbibigay siya sa mga tao sa teritoryo ng impormasyon sa isang bukod na papel kung saan siya maaaring makontak, lalo na sa mga pagdalaw-muli. Tayo ang dapat na dumalaw sa mga taong interesado sa halip na hayaang sila ang makipag-ugnayan sa atin para sa higit pang impormasyon. Mas maipakikita natin ang tunay na interes kapag kaharap natin ang ating kausap.