Handa Ka ba sa Medical Emergency?
Ang isang medical emergency ay maaaring mangyari nang biglaan at walang pasabi. (Sant. 4:14) Kaya ang matalinong tao ay maghahanda hangga’t maaari. (Kaw. 22:3) Nagpasiya ka na ba kung anong paggamot at pamamaraan ang tatanggapin mo, at naisulat mo na ba ang pasiya mong ito? Upang matulungan ka, inilakip sa video na Transfusion-Alternative Health Care—Meeting Patient Needs and Rights ang ikalawang presentasyon na pinamagatang Transfusion-Alternatives—Documentary Series. Habang pinanonood ito, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong. Dahil ang video ay may maiikling eksena ng pag-oopera, dapat pag-isipan ng mga magulang kung isasama nila ang kanilang mga anak sa panonood nito.
(1) Bakit muling gumagawa ng pag-aaral ang mga doktor tungkol sa pagsasalin ng dugo? (2) Magbigay ng tatlong halimbawa ng masalimuot na operasyon na ginawa nang walang pagsasalin ng dugo. (3) Bakit libu-libong doktor at siruhano sa buong daigdig ang handang gumamot ng mga pasyente nang walang pagsasalin ng dugo? (4) Ano ang natuklasan sa pinakahuling mga pag-aaral hinggil sa paggamit ng dugo sa mga ospital? (5) Anu-ano ang panganib sa pagsasalin ng dugo? (6) Ano ang konklusyon ng maraming eksperto tungkol sa mga kapakinabangan ng mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo? (7) Ano ang sanhi ng anemya, at ano ang magagawa hinggil dito? (8) Paano mapabibilis ang pagdami ng mga pulang selula sa katawan ng pasyente? (9) Anu-anong pamamaraan ang ginagamit upang mabawasan ang pagdurugo sa panahon ng operasyon? (10) Mabisa rin ba ang mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo sa mga bata o sa mga nag-aagaw-buhay? (11) Ano ang isa sa mga pangunahing simulain sa etika ng mabuting paggamot?
Yamang ang pagtanggap sa ilang paggamot na itinampok sa video ay depende sa budhi ng isa, huwag mong hintaying mapaharap ka sa isang emergency bago mo pag-isipan kung ano ang tatanggapin mo at hindi mo tatanggapin. Ang kabanata 7 ng aklat na “Pag-ibig ng Diyos” at ang binanggit na mga reperensiya pati na ang insert sa isyu ng Enero 2007 ng Ating Ministeryo ng Kaharian ay tutulong sa iyo na magpasiya batay sa iyong natutuhan. Pagkatapos, kung bautisado ka, isulat ang iyong mga pasiya sa DPA card, at dapat na lagi mong dala ang card na ito.
[Blurb sa pahina 3]
Nagpasiya ka na ba kung anong paggamot at pamamaraan ang tatanggapin mo at naisulat mo na ba ito?