Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nobyembre 1
“Sa palagay mo ba interesado ang mga anghel sa ginagawa natin? [Hayaang sumagot.] Ganito ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Lucas 15:10.] Tinatalakay sa artikulong ito ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga espiritung nilalang at kung paano nila tayo naaapektuhan.” Ipakita ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Nobyembre
Basahin ang 2 Timoteo 3:16. Pagkatapos ay sabihin: “Sang-ayon ka ba na mapananaligan natin ang lahat ng sinasabi ng Bibliya? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay sa artikulong ito kung magkatugma ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sinaunang Ehipto at ang sekular na kasaysayan at arkeolohiya.” Itampok ang artikulo sa pahina 15.
Ang Bantayan Disyembre 1
“Marami ang naniniwala na may matatalinong espiritung persona na nakaiimpluwensiya sa ating buhay. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Apocalipsis 12:7-9.] Tinatalakay sa magasing ito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga espiritu, kung paano nila tayo naaapektuhan, at kung puwede ba natin silang makausap.”
Gumising! Disyembre
“Sa palagay mo, bakit kaya ipinagdiriwang ang Pasko nang Disyembre 25 samantalang hindi naman sinasabi ng Bibliya kung kailan siya ipinanganak? [Hayaang sumagot.] Ayon sa tekstong ito, imposibleng ipanganak si Jesus sa panahon ng taglamig. [Basahin ang Lucas 2:8.] Mababasa mo sa magasing ito ang pinagmulan ng ilang kaugalian kung Pasko.”