Panahon ng Memoryal—Pagkakataon Para sa Pinag-ibayong Gawain!
1. Bakit dapat nating pag-ibayuhin ang ating gawain sa Marso, Abril, at Mayo?
1 Maaari mo bang pag-ibayuhin ang iyong ministeryo sa panahon ng Memoryal? Karaniwan nang maganda ang lagay ng panahon sa mga buwang iyon. Ang ilang mamamahayag ay bakasyon sa trabaho o sa eskuwela at maaari nila itong gamitin sa ministeryo. Simula sa Abril 2, magkakaroon tayo ng pantanging kampanya na imbitahang dumalo sa Memoryal, sa Abril 17 ang mga taong interesado. Pagkatapos nito, sisikapin nating linangin ang interes ng mga dumalo at imbitahan sila sa pantanging pahayag sa linggo ng Abril 25. Marami talaga tayong dahilan para pag-ibayuhin ang ating gawain sa Marso, Abril, at Mayo.
2. Ano ang isang napakahusay na paraan para mapalawak ang ating ministeryo?
2 Pag-o-auxiliary Pioneer: Ang isang napakahusay na paraan para mapalawak ang ministeryo ay ang mag-auxiliary pioneer. Yamang abala tayong lahat, karaniwan nang kailangan ang patiunang pagpaplano at pagbabago sa iskedyul. (Kaw. 21:5) Baka kailangan mong ipagpaliban ang di-mahahalagang gawain sa iyong karaniwang rutin. (Fil. 1:9-11) Bakit hindi mo sabihin sa mga kakongregasyon mo na gusto mong magpayunir para malaman mo kung makapag-o-auxiliary pioneer din sila kasabay mo?
3. Paano mapag-iibayo ng mga pamilya ang ministeryo nila?
3 Sa inyong susunod na Pampamilyang Pagsamba, magandang pag-usapan ang mga tunguhin ninyo bilang pamilya. (Kaw. 15:22) Kung magtutulungan, baka ang ilang miyembro ng pamilya ay makapag-auxiliary pioneer nang isang buwan o higit pa. Paano kung hindi ito posible? Mapag-iibayo ng pamilya ang gawain nila kung makikibahagi sila sa ministeryo sa gabi o gugugol ng mas mahabang panahon sa dulong sanlinggo.
4. Anong mga pagpapala ang mararanasan kung pag-iibayuhin natin ang ating ministeryo sa panahong ito ng Memoryal?
4 Nakikita ni Jehova ang lahat ng ginagawa natin para paglingkuran siya at pinahahalagahan niya ang mga sakripisyo natin. (Heb. 6:10) Nagdudulot ng kagalakan ang pagbibigay para kay Jehova at sa iba. (1 Cro. 29:9; Gawa 20:35) Mapag-iibayo mo ba ang iyong ministeryo sa panahon ng Memoryal, sa gayo’y maranasan ang higit na kagalakan at mas maraming pagpapala?