Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/14 p. 2
  • Maging Maligaya sa Panahon ng Memoryal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Maligaya sa Panahon ng Memoryal
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Magplano Na Ngayon Para Palawakin ang Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Mag-o-auxiliary Pioneer Ka Ba?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Panahon ng Memoryal—Pagkakataon Para sa Pinag-ibayong Gawain!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Ipahayag Nang Malawakan ang mga Kagalingan ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 2/14 p. 2

Maging Maligaya sa Panahon ng Memoryal

1. Ano ang isang paraan para maging mas maligaya sa panahon ng Memoryal?

1 Gusto mo bang maging mas maligaya sa Marso, Abril, at Mayo? Ang isang paraan ay palawakin ang iyong ministeryo at, kung posible, mag-auxiliary pioneer. Paano ito magdudulot ng higit na kaligayahan?

2. Paano tayo magiging mas maligaya kapag pinalawak natin ang ating ministeryo?

2 Maging Mas Maligaya: Nilalang tayo ni Jehova para masiyahan at maging maligaya sa pagsamba sa kaniya at sa pagsapat sa ating likas na espirituwal na pangangailangan. (Mat. 5:3) Dinisenyo rin niya tayo na maging maligaya sa pagbibigay sa iba. (Gawa 20:35) Sa ministeryo, nagagawa natin ang mga iyan​—ang pagsamba sa Diyos at pagtulong sa mga tao. Kaya makatuwirang isipin na magiging mas maligaya tayo kapag pinalawak natin ang ating ministeryo. Isa pa, nagiging mas bihasa tayo kapag madalas tayong nangangaral. Habang nagiging mas bihasa tayo, nagkakaroon tayo ng kumpiyansa at nababawasan ang nerbiyos natin. Mas marami tayong pagkakataong magpatotoo at magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Dahil sa lahat ng iyan, nagiging mas maligaya tayo sa ministeryo.

3. Bakit magandang mag-auxiliary pioneer sa Marso at Abril?

3 Magandang mag-auxiliary pioneer sa Marso at Abril dahil makapipili tayo alinman sa 30 o 50 oras na kahilingan. Bukod diyan, simula Marso 22, Sabado, hanggang sa araw ng Memoryal, Abril 14, Lunes, makikibahagi tayo sa kampanyang mag-imbita para sa Memoryal. Sabik na sabik ang mga kongregasyon dahil marami ang gagawa nang “balikatan” para makubrehan ang teritoryo sa loob ng itinakdang panahon.​—Zef. 3:9.

4. Kung gusto mong mag-auxiliary pioneer, ano ang dapat mong gawin?

4 Maghanda Na: Tingnan ang iyong iskedyul para malaman kung anong mga pagbabago ang puwede mong gawin para mapalawak ang iyong ministeryo nang isa o higit pang mga buwan. Ipanalangin ang bagay na ito. (Sant. 1:5) Ipakipag-usap ito sa iyong pamilya at sa iba sa kongregasyon. (Kaw. 15:22) Sa kabila ng mga problema sa kalusugan o full-time na trabaho, puwede ka pa ring maging maligaya sa pag-o-auxiliary pioneer.

5. Ano ang magiging resulta kapag pinalawak natin ang ating ministeryo sa panahon ng Memoryal?

5 Gusto ni Jehova na maging maligaya tayo. (Awit 32:11) Kapag pinalawak natin ang ating ministeryo sa panahon ng Memoryal, hindi lang tayo magiging mas maligaya, mapasasaya pa natin ang ating Ama sa langit.​—Kaw. 23:24; 27:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share