Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/13 p. 1
  • Mag-o-auxiliary Pioneer Ka Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mag-o-auxiliary Pioneer Ka Ba?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Magplano Na Ngayon Para Palawakin ang Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Maging Maligaya sa Panahon ng Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Ipahayag Nang Malawakan ang mga Kagalingan ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
km 2/13 p. 1

Mag-o-auxiliary Pioneer Ka Ba?

1. Bakit magandang panahon ang Memoryal para palawakin ang ating ministeryo?

1 Ang panahon ng Memoryal ay magandang panahon para palawakin ang ating ministeryo. Sa panahong ito, binubulay-bulay natin ang dakilang pag-ibig ni Jehova nang ilaan niya ang kaniyang Anak bilang pantubos. (Juan 3:16) Nag-uumapaw ang pasasalamat sa ating puso, anupat sumisidhi ang ating pagnanais na sabihin sa iba ang tungkol kay Jehova at ang ginagawa niya para sa mga tao. (Isa. 12:4, 5; Luc. 6:45) Ito rin ang panahon na nagsasagawa tayo ng espesyal na kampanya para anyayahang dumalo sa Memoryal ang mga kakilala at mga tao sa teritoryo. Pagkatapos, sinisikap nating linangin ang interes ng mga dumalo. Mag-o-auxiliary pioneer ka ba sa Marso, Abril, o Mayo para mapalawak ang iyong ministeryo?

2. Bakit napakagandang buwan ang Marso para mag-auxiliary pioneer?

2 Gawing Espesyal na Buwan ang Marso: Ang Marso ay napakagandang buwan para mag-auxiliary pioneer. Ang mga mag-o-auxiliary pioneer ay maaaring umabot ng kahilingang 30 o 50 oras. Kung tatapat ng Marso ang dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, ang mga auxiliary pioneer ay puwedeng dumalo sa buong miting ng tagapangasiwa ng sirkito sa mga regular at special pioneer. Ang kampanya para mag-anyaya sa Memoryal, na gaganapin sa Marso 26, 2013, araw ng Martes, ay pinahaba kaysa sa naunang mga taon at magsisimula sa Marso 1. Bukod diyan, ang Marso ay may limang Sabado’t Linggo. Kaya bakit hindi pag-isipang mag-auxiliary pioneer at gawin itong espesyal na buwan ng taon?

3. Anong mga kaayusan ang puwedeng gawin para madagdagan ang oras ng ating paglilingkod?

3 Magplano Na Ngayon: Ngayon na ang panahon para suriin kung anong mga pagbabago sa iskedyul ang kailangan mong gawin para makapagpayunir. Mahalaga ang pagtutulungan ng pamilya, kaya pag-usapan sa inyong gabi ng Pampamilyang Pagsamba ang mga tunguhin ng inyong pamilya at gumawa ng iskedyul. (Kaw. 15:22) Kung hindi ka makapag-o-auxiliary pioneer, huwag masiraan ng loob. Mababago mo ba ang iyong iskedyul para makagugol ka ng mas maraming oras sa mga araw na lumalabas ka sa larangan? Puwede mo bang dagdagan ng isang araw kada linggo ang paglilingkod mo sa larangan?

4. Ano ang mga pakinabang kung pag-iibayuhin natin ang ating pagsisikap sa Marso, Abril, at Mayo?

4 Habang pinag-iibayo natin ang ating pagsisikap sa Marso, Abril, at Mayo, magkakaroon tayo ng higit na kagalakan at kasiyahan sa paglilingkod kay Jehova at sa pagbibigay sa iba. (Juan 4:34; Gawa 20:35) Mas mahalaga, ang ating pagsasakripisyo ay magpapasaya kay Jehova.—Kaw. 27:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share