Isang Paraan Kung Paano Gagamitin ang Brosyur na Mensahe ng Bibliya
Marami sa ating teritoryo, lalo na ang mga di-Kristiyano, ang walang kabatiran sa Bibliya. Kapag nakikipag-aral sa kanila gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya, ginagamit din ng ilang mamamahayag ang brosyur na Mensahe ng Bibliya upang tulungan ang kanilang estudyante na magkaroon ng kabatiran sa Bibliya. Halimbawa, ginamit ng isang brother ang seksiyon 1 ng brosyur nang pag-aralan nila ang kabanata 3 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Mula noon, ginagamit niya ang iba pang seksiyon sa pagtatapos ng bawat pag-aaral. May tinuturuan ka ba sa Bibliya na walang gaanong kabatiran sa Bibliya? Para matulungan siyang matutuhan ang ‘banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa kaniya ukol sa kaligtasan,’ gamitin din ang brosyur na Mensahe ng Bibliya bukod sa aklat na Itinuturo ng Bibliya.—2 Tim. 3:15.