Ano ang Hitsura ng Iyong Literatura?
Magandang tanong iyan hinggil sa literaturang iaalok natin. Anumang literatura na may tupi, iba na ang kulay, marumi, o punít ay magbibigay ng masamang impresyon sa ating organisasyon at makasisira sa maganda at nagliligtas-buhay na mensahe ng literatura.
Paano natin mapananatiling maayos ang ating literatura? Nakatutulong sa marami na pagsama-samahin ang magkakatulad na publikasyon. Halimbawa, may lugar para sa mga aklat, iba naman para sa mga magasin at brosyur, at mayroon din para sa mga tract, at iba pa. Maingat nilang ibinabalik sa kanilang bag ang Bibliya at anumang literatura para hindi ito masira. Inilalagay naman ng ilang mamamahayag ang kanilang literatura sa mga folder o mga plastic na bag na nakikita ang laman. Anuman ang ating pamamaraan, ayaw nating mapintasan ang ating ministeryo sa pagbibigay ng di-maayos na literatura.—2 Cor. 6:3.