Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/12 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • May-Katalinuhang Gamitin ang Ating Salig-Bibliyang mga Literatura
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Pag-aalok ng Literatura sa Teritoryo na Iba’t Iba ang Wika
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Ano ang Hitsura ng Iyong Literatura?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 8/12 p. 2

Tanong

◼ Paano matitiyak kung dapat tayong mag-iwan ng literatura sa isang tao?

Ang pinakamahalaga ay ang interes ng tao. Kapag nagpapakita siya ng tunay na interes, maaari tayong mag-iwan sa kaniya ng dalawang magasin, isang brosyur, isang aklat, o iba pang literatura na iniaalok natin. Gagawin natin ito kahit sa tingin natin ay kaunti lang o wala siyang maibibigay na donasyon para sa pambuong-daigdig na gawain. (Job 34:19; Apoc. 22:17) Sa kabilang dako naman, hindi tayo mag-iiwan ng ating mahalagang literatura sa mga hindi nagpapahalaga rito.—Mat. 7:6.

Paano masasabing interesado ang may-bahay? Ang isang patunay ay kung handa siyang makipag-usap sa atin—kapag siya ay nakikinig sa atin, sumasagot sa mga tanong, at nagpapahayag ng kaniyang opinyon. Kapag sumusubaybay siya habang binabasa natin ang Bibliya, ipinakikita niyang may paggalang siya sa Salita ng Diyos. Karaniwan nang makabubuting tanungin kung babasahin niya ang literaturang iniaalok. Dapat magpakita ng mabuting pagpapasiya ang mamamahayag para matiyak kung interesado nga ba ang isang tao. Halimbawa, kapag nagpapatotoo sa lansangan, hindi angkop na basta na lang magbigay ng mga magasin, brosyur, o aklat sa mga nakakasalubong natin. Kung hindi natin tiyak na interesado ang isang tao, makabubuting bigyan siya ng handbill o tract.

Gayundin, ang dami ng literaturang kinukuha ng isang mamamahayag sa literature counter ay dapat na batay sa kailangan niya upang maisagawa ang kaniyang ministeryo, hindi sa kakayahan niyang magbigay ng donasyon. Ang donasyon ay hindi bayad para sa mga literatura kundi para suportahan ang lahat ng aspekto ng ating pambuong-daigdig na pangangaral. Kung tayo ay mapagpahalaga, pakikilusin tayo nito na bukas-palad na magbigay mula sa ating kakapusan, hindi mula sa ating mga labis, para suportahan ang kapakanan ng Kaharian anuman ang ating pinansiyal na kalagayan. (Mar. 12:41-44; 2 Cor. 9:7) Ito rin ang mag-uudyok sa atin na kumuha lamang ng mga literatura na kailangan natin, para hindi masayang ang mga donasyong ginamit para sa literatura.

[Blurb sa pahina 2]

Dapat magpakita ng mabuting pagpapasiya ang mamamahayag para matiyak kung interesado nga ba ang isang tao

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share