Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb17 Pebrero p. 4
  • Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Kaparehong Materyal
  • May-Katalinuhang Gamitin ang Ating Salig-Bibliyang mga Literatura
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Pag-aalok ng Literatura sa Teritoryo na Iba’t Iba ang Wika
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • “Tatanggapin Ko ’Yang Babasahín Mo Kung Kukunin Mo Rin Ito”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
mwb17 Pebrero p. 4
Babaeng nakikinig habang ipinakikita ng mga Saksi ni Jehova ang brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos!

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya

Itinuro ni Jesus: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mat 10:8) Sinusunod natin ang malinaw na tagubiling iyan dahil ipinamamahagi natin nang libre ang Bibliya o salig-Bibliyang mga publikasyon. (2Co 2:17) Ang mga publikasyong ito ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Kailangan ang malaking halaga at pagsisikap para maimprenta at maipadala ang ating mga literatura sa mga kongregasyon sa buong daigdig. Kaya naman, kumuha lang tayo ng literaturang kailangan natin.

Isiping mabuti kung dapat bigyan ng literatura ang kausap, kahit sa pampublikong pagpapatotoo. (Mat 7:6) Sa halip na basta lang mamigay ng mga literatura sa mga nagdaraan, sikaping kausapin sila para malaman kung interesado sila. Oo ba ang sagot mo sa kahit isa sa mga tanong sa kahon? Kung hindi mo matiyak kung interesado ang iyong kausap, makabubuting mag-iwan ng tract. Pero siyempre, kung humingi siya ng magasin o iba pang publikasyon, dapat natin siyang bigyan.—Kaw 3:27, 28.

ANG KAUSAP MO BA AY . . .

  • nakikinig habang nagsasalita ka?

  • sumasagot kapag nagtatanong ka?

  • sumang-ayong babasahin ang literatura?

  • nagtanong tungkol sa donasyon?

  • nagpapahalaga sa mga nalaman niya sa Salita ng Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share