Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Pebrero
“Sa palagay mo, may organisasyon ba ang Diyos sa ngayon, o nakikitungo lang siya sa mga indibiduwal? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi nito tungkol sa isang bayan na inorganisa ng Diyos maraming taon na ang nakalipas.” Buksan ang pahina 26 ng Pebrero 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo at kahit isa lang sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Pebrero 1
“Nitong nakaraang mga taon, madalas pag-usapan ang Armagedon. Sa palagay mo, may magagawa kaya ang tao para mapigilan ang pagdating nito? [Hayaang sumagot.] Dito nanggaling ang salitang ‘Armagedon.’ [Basahin ang Apocalipsis 16:16. Pagkatapos ay ipakita ang pabalat ng magasin.] Mababasa sa magasing ito ang sagot ng Bibliya sa mga tanong na ito.”
Gumising! Pebrero
“Sa ngayon, gustung-gusto ng marami na makipag-usap online. Sa palagay mo, may mga panganib ba sa ganitong komunikasyon? [Hayaang sumagot.] May mga simulain sa Bibliya na makatutulong para hindi tayo mapahamak kapag nag-o-online. [Buksan sa pahina 6-9, at talakayin ang isa sa mga tanong at isang binanggit na teksto.] Tutulungan ka ng magasing ito na malaman at maiwasan ang mga panganib na iyon.”