Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Setyembre
“Ang mga taong may iba’t ibang nasyonalidad at relihiyon ay nananalangin araw-araw. Pinakikinggan kaya ng Diyos at sinasagot ang lahat ng mga panalangin?” Hayaang sumagot. Saka ibigay sa kaniya ang isang kopya ng Setyembre 1 ng Bantayan, at talakaying magkasama ang paksang nasa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang siniping teksto. Ialok ang mga magasin at isaayos na bumalik para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Setyembre 1
Ipakita ang pabalat ng magasin at sabihin: “Ano ang sagot mo sa tanong na ito? [Hayaang sumagot.] Tingnan kung ano ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang 1 Juan 5:19.] Ayon dito, ang ‘isa na balakyot,’ o ang Diyablo, ang namamahala sa daigdig. Pero nagbabangon ito ng ilang katanungan. Saan nagmula ang Diyablo? Totoong persona ba siya? Hanggang kailan siya pahihintulutan ng Diyos na mamahala? Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya.”
Gumising! Setyembre
“Maraming tao ngayon ang nai-stress dahil sa problema sa pera. Bakit kaya napakahirap pagkasiyahin ang kinikita? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay naglalaman ng matatalinong payo na nakatulong sa marami na malutas ang kanilang mga problema sa pananalapi. [Basahin ang isa sa mga teksto sa pahina 8-9.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng praktikal na mga mungkahi para sa mga nagsisikap makaahon sa utang.”