Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Agosto
“Sa ngayon, karaniwan nang iniisip ng mga tao na walang pinagbago si Jesus kahit dalawang libong taon na ang nakalilipas. Para sa kanila, isa pa rin siyang sanggol sa sabsaban o isang lalaking nakapako sa tulos. Pero ano sa palagay mo ang ginagawa ni Jesus ngayon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi nito.” Iabot sa may-bahay ang Bantayan ng Agosto 1, at magkasamang talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto lamang. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Agosto 1
“Maraming tao ang naniniwala sa mga himala. Ang iba naman ay nag-aalinlangan. Sa palagay mo, totoo ba ang mga himala? [Hayaang sumagot.] Ang pangakong ito tungkol sa isang himala sa hinaharap ay nagbibigay ng pag-asa sa maraming tao. [Basahin ang isa sa mga teksto sa pahina 9-10.] Sinasagot ng magasing ito ang tatlong karaniwang pagtutol tungkol sa mga himala.”
Gumising! Agosto
“Sa ngayon, maraming tao ang takót lumabas nang mag-isa, lalo na sa gabi. Sa palagay mo, may magagawa ba para mabawasan ang karahasan sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Binabanggit ng magasing ito ang ilang bagay na magagawa nating lahat para maging mas mapagpayapa tayo. Tinatalakay rin nito kung paano matutupad ang napakagandang hulang ito.” Basahin ang Awit 72:7.