Sampol na mga Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Mayo
“Sa tingin mo, bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan at pagdurusa? [Hayaang sumagot.] Mayroon akong dalang magasin tungkol dito.” Saka basahin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 ng Mayo 1 ng Bantayan at isang siniping teksto. Ialok ang mga magasin at mag-iskedyul na bumalik para talakayin ang sagot sa susunod na tanong.
Ang Bantayan Mayo 1
Basahin ang Awit 37:10, 11. Saka sabihin: “Sa palagay mo, malapit na ba nating makita ang katuparan ng pangakong ito? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang anim na iba’t ibang hula sa Bibliya na nakikita nating natutupad na sa ngayon, mga hula na nagpapakitang hindi na magtatagal, matutupad na ang pangakong ito.”
Gumising! Mayo
“Sinasabi ng ilan na ang tao ay mas mataas na anyo lang ng hayop. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Awit 139:14.] Siyempre, limitado lang ang alam ng salmista sa kamangha-manghang katawan ng tao. Tinatalakay ng magasing ito kung ano na ang nalalaman natin ngayon, pati na kung bakit tayo naiiba sa mga hayop.”