Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Hulyo
“Nitong nakaraang mga taon, dumarami ang interesado sa mga anghel. Sa palagay mo, totoo ba ang mga anghel? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano sinasabi rito.” Iabot sa may-bahay ang Hulyo 1 ng Bantayan, at magkasamang talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Hulyo 1
Basahin ang Awit 65:2. Pagkatapos ay sabihin: “Marami ang sumasang-ayon na ang Diyos ang ‘Dumirinig ng panalangin,’ at nananalangin sila araw-araw. Pero iniisip ng iba, ‘Kung may Diyos, bakit napakaraming problema sa daigdig?’ Ano sa palagay mo? May Diyos ba na dumirinig sa ating mga panalangin? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang sagot ng Bibliya sa tanong na ‘Bakit pinahihintulutan ng Dumirinig ng panalangin ang pagdurusa?’”
Gumising! Hulyo
“Kung kaya mong baguhin ang kahit isang bagay lang sa ating mundo, ano ang babaguhin mo? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng Bibliya kung bakit limitado ang kayang gawin ng mga tao. [Basahin ang Jeremias 10:23.] Ipinaliliwanag sa magasing ito kung ano ang babaguhin ng Diyos.”