Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/12 p. 4
  • Sampol na Presentasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sampol na Presentasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 8/12 p. 4

Sampol na Presentasyon

Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Setyembre

“Marami ang naniniwala na sa Araw ng Paghuhukom ay hahatulan sila ng Diyos ayon sa kanilang mga ginawa. Sa palagay mo, dapat ba itong panabikan o katakutan? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi nito.” Iabot sa may-bahay ang Bantayan ng Setyembre 1, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.

Ang Bantayan Setyembre 1

“Sa maraming bansa, ang mga babae ay dumaranas ng diskriminasyon at pagmamaltrato. Nakalulungkot, relihiyosong mga paniniwala ang isa sa mga dahilan. Sa palagay mo, talaga bang may malasakit ang Diyos sa mga babae? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang utos ng Bibliya sa mga asawang lalaki kung paano nila dapat pakitunguhan ang kanilang asawa. [Basahin ang Efeso 5:28, 29.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya na pangmalas ng Diyos sa mga babae.”

Gumising! Setyembre

“Sinasabi ng marami na darating ang panahon na malilipol ang lahat ng nabubuhay sa lupa, posibleng dahil sa digmaang nuklear o likas na sakuna, gaya ng pagbagsak ng asteroid o pagbabago ng klima ng mundo. Sa palagay mo, totoo ba ang gayong mga prediksiyon, o gawa-gawa lang? [Hayaang sumagot.] Ito ang nakaaaliw na pangako ng Bibliya. [Basahin ang Awit 37:29.] Tinatalakay ng magasing ito ang ilang karaniwang senaryo ng katapusan ng mundo gayundin ang makatuwirang hula ng Bibliya na mangyayari sa hinaharap.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share