Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Oktubre
“Tiyak na sasang-ayon ka na waring napakaikli ng buhay. Sa palagay mo, darating kaya ang araw na mawawala na ang sakit at hahaba ang ating buhay? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi nito.” Iabot sa may-bahay ang Oktubre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at ang binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Oktubre 1
“Marami ang nababahala hinggil sa tindi ng katiwalian sa negosyo at gobyerno. Sa palagay mo, may magagawa ba para malutas ang problemang ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi nito kung paano kikilos si Jesus para sa mga biktima ng katiwalian. [Basahin ang Awit 72:12-14.] Ipinakikita ng magasing ito kung paanong malapit nang mawala ang katiwalian.”
Gumising! Oktubre
“Gusto ng maraming magulang na magkaroon ng mabuting edukasyon ang kanilang mga anak. Sa palagay mo, ang mga kabataan bang nagtatapos sa paaralan ngayon ay handang-handa para sa mga hamon sa buhay? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at karunungan. [Basahin ang Eclesiastes 7:12.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng limang praktikal na mungkahi para tulungan ang mga bata na makinabang sa pag-aaral.”