Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Nobyembre
“Karamihan sa atin ay interesado sa mahusay na gobyerno. Sa palagay mo, anong uri ng gobyerno ang makalulutas sa mga problema ng tao? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi rito.” Iabot sa may-bahay ang Nobyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Nobyembre 1
“Kung magkakaroon ka ng pagkakataon, ano ang itatanong mo sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ayon kay Jesus, tama lang na maghanap ng mga sagot sa ating mga tanong. [Basahin ang Mateo 7:7.] Binabanggit ng magasing ito ang sagot ng Bibliya sa tatlong mahahalagang tanong na ito.” Ipakita sa may-bahay ang mga tanong sa ibaba ng pahina 3.
Gumising! Nobyembre
“Dumadalaw kami sa mga pamilya sa lugar ninyo. Karaniwan na lang ngayon ang mga pamilyang may nagsosolong magulang. Sa palagay mo, mas marami kaya silang problema kaysa sa mga pamilyang may ama’t ina? [Hayaang sumagot.] Maraming magulang ang nakasumpong ng praktikal na payo mula sa Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Binabanggit ng magasing ito ang ilang mungkahi na makatutulong sa mga nagsosolong magulang na magtagumpay sa kanilang mahirap na pananagutan.”