Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Hulyo
“Halos lahat sa atin, gusto ng mahaba at maligayang buhay. Sa tingin mo, darating pa kaya ang panahon na puwede tayong mabuhay nang walang hanggan sa tulong ng siyensiya at medisina? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo kung ano ang sinasabi dito.” Ipakita ang huling pahina ng Hulyo 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Paalaala: Dapat itong itanghal sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan sa Hulyo 6.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Marami sa nakakausap namin ay may sarili nang relihiyon. Pero sabi ng ilan, wala na silang tiwala sa lahat ng relihiyon. Ikaw, ano’ng masasabi mo? [Hayaang sumagot.] Nagbigay si Jesus ng saligan para malaman kung tunay o huwad ang isang relihiyon. [Basahin ang Lucas 6:44a.] Tinatalakay sa magasing ito ang ilan sa masasamang bunga ng relihiyon. Sinasagot din nito ang tanong na, May relihiyon bang karapat-dapat sa iyong pagtitiwala?”
Gumising! Hulyo
“Ipinapakipag-usap namin sa mga tao sa inyong lugar ang tungkol sa isang nakakabahalang problema—ang kawalang-katarungan. May ilan na nagpoprotesta para malabanan ito. Sa tingin mo, may pagbabago ba silang nagagawa? [Hayaang sumagot.] Sinasabi ng Bibliya kung ano talaga ang magdudulot ng pagbabago sa lupa. [Basahin ang Mateo 6:9, 10.] Sinasagot ng magasing ito ang tanong na, Solusyon ba ang mga kilos-protesta?”
Magandang Balita Mula sa Diyos!
“Dumadalaw kami sa mga pamilya sa lugar ninyo para ibahagi ang isang pampatibay mula sa Bibliya. Iniisip ng marami sa mga nakausap namin kung bakit hinahayaan ng isang maibiging Diyos ang lahat ng pagdurusa sa daigdig. Sa tingin mo, layunin kaya talaga ng Diyos na magdusa ang mga tao dito sa lupa?” Hayaang sumagot. Pagkatapos, buksan ang Aralin 5. Basahin at talakayin ang unang dalawang parapo at ang nakaitalikong mga teksto. Ialok ang brosyur, at sabihing babalik ka para pag-usapan ang susunod na tanong sa makakapal na letra.