Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/11 p. 4
  • Sampol na Presentasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sampol na Presentasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Sampol na mga Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
km 6/11 p. 4

Sampol na Presentasyon

Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Hulyo

“Marami ang bumabanggit ng mga salitang ito mula sa Panalangin ng Panginoon: ‘Dumating nawa ang iyong Kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’ Ano ba ang Kahariang iyon? [Hayaang sumagot.] Ito ang sagot ng Bibliya.” Basahin ang Daniel 2:44. Pagkatapos, ibigay sa may-bahay ang isang isyu ng Hulyo 1 ng Ang Bantayan at basahin at talakayin ninyo ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik para talakayin ang sagot sa kasunod na tanong.

Ang Bantayan Hulyo 1

“Dahil maikli ang buhay at punô ng problema, marami ang nagtatanong kung ano ang kahulugan ng buhay. Naitanong mo na rin ba iyan? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nangangako na hindi laging ganito ang buhay. [Basahin ang Apocalipsis 21:4.] Tinatalakay ng magasing ito ang layunin ng Diyos para sa lupa at binabanggit nito ang ilang bagay na maaari nating gawin upang masumpungan ang tunay na kahulugan ng buhay kahit sa ngayon.”

Gumising! Hulyo

Bumanggit ng isang trahedyang nasa balita. Pagkatapos ay sabihin: “Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang gayong mga bagay? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, nahahabag ang Diyos sa mga nagdurusa. [Basahin ang Exodo 3:7.] Sinasabi rin ng Bibliya kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa at na malapit na niya itong wakasan magpakailanman. Iyan ang ipinaliliwanag ng magasing ito.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share