“Tatanggapin Ko ’Yang Babasahín Mo Kung Kukunin Mo Rin Ito”
Iyan ang sinasabi ng ilang may-bahay. Pero dahil hindi natin ipinagpapalit ang ating mga literatura sa Bibliya para sa mga babasahín ng ibang relihiyon na naglalaman ng maling mga turo, paano tayo mataktikang sasagot? (Roma 1:25) Puwede nating sabihin: “Salamat. Puwede bang malaman ang sinasabi niyan tungkol sa solusyon sa problema ng mga tao? [Hayaang sumagot. Kung sasabihin niyang basahin mo na lang ang kanilang literatura para malaman mo ang sagot, puwede mong ipaalala sa kaniya na bago mo ialok ang ating literatura, sinabi mo muna sa kaniya ang nilalaman nito. Saka basahin o sipiin ang Mateo 6:9, 10.] Ipinahiwatig ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ang magsasakatuparan ng kalooban ng Diyos dito sa lupa. Kaya ang binabasa ko lang na mga literatura sa relihiyon ay tungkol sa Kaharian ng Diyos. Puwede ko bang ipakita sa iyo mula sa Bibliya ang ilan sa mga gagawin ng Kaharian ng Diyos?”