Sampol na Presentasyon
Kingdom News Blg. 38
“Ipinamamahagi namin ang mahalagang mensaheng ito sa buong daigdig. Heto ang kopya n’yo.”
Paalala: Para makubrehan ang buong teritoryo, gawing maikli ang inyong presentasyon. Pero kung magpapakita ng tunay na interes ang may-bahay at gustong makipag-usap, hingin ang opinyon niya sa tanong sa harapan ng tract, basahin sa kaniya ang sagot ng Bibliya gaya ng ipinakikita sa loob, at talakayin ang isang bahagi ng nilalaman nito, kung may panahon pa. Bago umalis, ipakita sa kaniya ang tanong sa “Pag-isipan Ito” sa likuran at sabihing babalik ka para talakayin iyon.
Ang Bantayan Enero 1
“Dumadalaw po kami para ipakipag-usap ang isang bagay na nakakaapekto sa ating lahat—ang mamatayan ng mahal sa buhay. Sang-ayon ka ba na ang isa sa pinakamahihirap haraping sitwasyon ay ang mamatayan ng kaibigan o kamag-anak? [Hayaang sumagot.] Marami ang naaliw sa tekstong ito. [Basahin ang Isaias 25:8.] Tinatalakay sa magasing ito ang napakagandang pangako sa Bibliya na wawakasan ang kamatayan at bubuhaying muli ang mga mahal natin sa buhay.”
Gumising! Enero
“Sang-ayon ka ba na maraming problemang napapaharap sa mga pamilya ngayon? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo kung ano ang sinasabi ng kawikaang ito sa Bibliya na dapat taglayin ng mga pamilya para maging matibay ang kanilang sambahayan. [Basahin ang Kawikaan 24:3.] Marami ang natulungan ng karunungang nasa Bibliya. Tinatalakay sa magasing ito ang isang naiibang Web site na salig sa Bibliya at may libreng mga pantulong para sa mga pamilya.”