Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Enero
“Gusto naming malaman ang opinyon mo. Alam mo ba kung ano ang pangalan ng Diyos? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi rito.” Iabot sa may-bahay ang Enero 1 ng Bantayan, ipakita ang artikulo sa huling pahina, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Enero 1
“Pinag-uusapan ng marami ang tungkol sa katapusan ng mundo. Dapat kaya natin itong katakutan? [Hayaang sumagot.] Ayon dito, may mga makaliligtas. [Basahin ang 1 Juan 2:17.] Binabanggit ng magasing ito ang sagot ng Bibliya sa apat na karaniwang tanong tungkol sa katapusan ng mundo.”
Gumising! Enero
“Dumadalaw kami sa mga pamilya sa lugar ninyo. Mahalaga kayang ikapit ng mga pamilya ang pananalitang ito ni Jesus? [Basahin ang Gawa 20:35b, at hayaang sumagot.] Mahirap turuan ang mga bata na huwag maging makasarili dahil marami sa ngayon ang puro sarili lang ang iniisip. Binabanggit ng artikulong ito ang ilang praktikal na paraan kung paano tuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging mapagmalasakit sa iba.”