Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paglalatag ng Pundasyon Para sa Pagdalaw-Muli
Kung Bakit Mahalaga: Kapag may natagpuan tayong interesado, gusto nating mabalikan siya para madilig ang binhi ng katotohanan na itinanim natin. (1 Cor. 3:6) Kaya kadalasan bago umalis, inaalam natin kung kailan tayo puwedeng bumalik. Makabubuti rin kung mag-iiwan tayo ng tanong na pag-uusapan sa susunod na pagdalaw natin. Makakatulong ito para manabik ang may-bahay, at kung ang tanong ay sinasagot sa publikasyong iniwan natin, mas malamang na basahin niya iyon. Kapag inilalatag natin ang pundasyon para sa susunod na pag-uusap, nagiging mas madali ring dumalaw-muli dahil may paksa nang tatalakayin, at alam na ng may-bahay kung ano ang aasahan niya. Sa pagdalaw-muli, puwede nating sabihin na bumalik tayo para sagutin ang tanong na iniwan natin, at saka magpatuloy.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Kapag naghahanda ng presentasyon, maghanda rin ng tanong na sasagutin mo sa susunod na pagdalaw. Sabihin ito sa mga nakakapartner mo sa ministeryo.