Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagharap sa Isang Galít na May-bahay
Kung Bakit Mahalaga: Marami sa mga nakakausap natin sa ministeryo ay mabait. Pero inihula ni Jesus na may mga taong mapopoot, o magagalit, sa atin. (Juan 17:14) Kaya hindi tayo dapat magulat kung mapaharap tayo sa isang galít na may-bahay. Kapag nangyari ito, dapat tayong gumawi sa paraang hindi mapipintasan ang ating Diyos, si Jehova. (Roma 12:17-21; 1 Ped. 3:15) Sa paggawa nito, maaaring maiwasang lumala ang sitwasyon. Magiging patotoo rin sa may-bahay at sa mga nakakakita ang ating mabuting paggawi, at baka maudyukan sila nitong makinig sa mga Saksi ni Jehova sa ibang pagkakataon.—2 Cor. 6:3.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Sa inyong Pampamilyang Pagsamba, magpraktis kung paano haharapin ang isang galít na may-bahay.
Pagkatapos mapaharap sa isang galít na may-bahay, pag-usapan ninyong magpartner kung ano sana ang mas magandang gawin sa gayong sitwasyon.