Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagtugon sa mga Pagtutol
Kung Bakit Mahalaga: Nabalitaan mong may paparating na sakuna. Mamamatay ang mga tao kung hindi sila lilikas. Pinuntahan mo ang iyong kapitbahay para babalaan siya, pero pinatigil ka niya sa pagsasalita at sinabing abala siya. Siyempre, hindi ka agad susuko dahil gusto mo siyang maligtas! Marami sa ating teritoryo ang nagtataboy sa atin dahil hindi nila alam na nagliligtas-buhay ang mensahe natin. Kapag nangangaral tayo, baka abala talaga ang may-bahay. (Mat. 24:37-39) O baka masama ang impresyon nila sa atin dahil sa mga narinig nilang kuwentong di-totoo. (Mat. 11:18, 19) Baka iniisip nilang wala tayong ipinagkaiba sa ibang relihiyon na gumagawa ng masama. (2 Ped. 2:1, 2) Kung hindi interesado sa umpisa ang may-bahay, huwag agad susuko.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Pagkatapos mapaharap sa pagtutol ng may-bahay, ipakipag-usap sa iyong partner kung paano sana mas magandang tumugon sa gayong pagtutol.