Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb22 Hulyo p. 3
  • Pagpapayunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapayunir
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Kapuri-puring Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Auxiliary na Pagpapayunir—Nasubukan na ba Ninyo Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Magagawa Ba Natin Uli Iyon?—Panibagong Panawagan Para sa mga Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
mwb22 Hulyo p. 3
Pinag-uusapan ng isang sister, mga magulang niya, at lola niya ang kanilang iskedyul.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO | UMABOT NG MGA TUNGUHIN SA SUSUNOD NA TAON NG PAGLILINGKOD

Pagpapayunir

Kung may mga espirituwal na tunguhin tayo, hindi masasayang ang panahon at lakas natin. (1Co 9:26) Makakatulong ang mga ito para magamit natin sa pinakamabuting paraan ang natitirang panahon natin bago magwakas ang sistemang ito. (Efe 5:15, 16) Kaya sa pampamilyang pagsamba, puwede ninyong pag-usapan ang mga tunguhin na gusto ninyong abutin sa susunod na taon ng paglilingkod. Sa isyung ito ng workbook para sa pulong, may mga artikulo tungkol sa mga tunguhin na puwede ninyong pag-isipan at ipanalangin.​—San 1:5.

Halimbawa, puwede bang magtulungan ang pamilya ninyo para makapag-regular pioneer ang kahit isa man lang sa inyo? Kung nag-aalala ka na baka hindi mo maabot ang kahilingang oras, makipag-usap sa mga payunir na kapareho mo ng kalagayan. (Kaw 15:22) Baka puwede ninyong interbyuhin ang isang payunir sa inyong pampamilyang pagsamba. Pagkatapos, isulat ang mga iskedyul na puwedeng pagpilian. Kung huminto ka sa pagpapayunir, baka nasa kalagayan ka nang bumalik.

Mayroon ba sa pamilya ninyo na puwedeng mag-auxiliary pioneer nang isang buwan o higit pa? Kung mahina ang katawan mo, puwede ka pa ring mag-auxiliary pioneer kung makakapangaral ka kahit ilang oras lang kada araw. Kung hindi ka makapangaral nang simpleng araw dahil nagtatrabaho ka o nag-aaral, baka puwede kang pumili ng buwan na may holiday o limang weekend. Ilagay sa kalendaryo kung kailan ninyo planong mag-auxiliary pioneer at isulat ang inyong iskedyul.​—Kaw 21:5.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKALAKAS-LOOB BILANG . . . PAYUNIR. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:

  • Sa karanasan ni Sister Aamand, ano ang natutuhan natin tungkol sa pangangalaga ni Jehova sa mga nagsasakripisyo para makapagpayunir?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share