Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 109
  • Aalisin ni Jesus ang Krimen

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aalisin ni Jesus ang Krimen
  • Iba Pang Paksa
  • Kaparehong Materyal
  • Aalisin ni Jesus ang Kahirapan
    Iba Pang Paksa
  • Patitigilin ni Jesus ang mga Digmaan
    Iba Pang Paksa
  • Kanino Ka Makakapagtiwala?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Ang Krimen Ba ay Isang Tunay na Panganib sa Iyo?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 109
Isang kriminal na sinusundan ang isang babaeng nag-iisa. Nakita siya ng babae kaya tumawag ito sa phone nito para humingi ng tulong.

alfa27/stock.adobe.com

Aalisin ni Jesus ang Krimen

Alam ni Jesus ang pakiramdam na mabiktima ng krimen at kawalang-katarungan. Pinaratangan siya, ilegal na binugbog at nilitis, at hinatulan ng kamatayan. Wala siyang ginawang mali, pero kusa niyang ibinigay “ang buhay niya bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28; Juan 15:13) Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, malapit na niyang bigyan ng katarungan ang lahat ng tao at permanenteng alisin ang krimen sa buong mundo.—Isaias 42:3.

Ganito ang sinasabi ng Bibliya na magiging kalagayan ng mundo kapag kumilos na si Jesus:

  • “Ang masasama ay mawawala na; titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan, pero hindi mo sila makikita roon. Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:10, 11.

Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Ang isa sa puwede mong gawin ay pag-aralan ang tungkol sa “mabuting balita ng Kaharian ng Diyos,” na ipinangaral niya. (Lucas 4:43) Basahin ang artikulong “Ano ang Kaharian ng Diyos?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share