Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sinabi ni Jesus: “Sinasabi ko sa iyo, kung hindi ipanganganak-muli* ang isa,+ hindi niya makikita ang Kaharian ng Diyos.”+

  • Juan 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kaniya:+ “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa iyo, Malibang maipanganak muli+ ang isa, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.”+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:3

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 107

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      1/2020, p. 22-23

      Ang Bantayan,

      4/1/2009, p. 5-6, 7-8

      5/1/2001, p. 22

      7/1/1995, p. 9-10

      11/15/1992, p. 3, 4-6

      Gumising!,

      2/8/1988, p. 26-27

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:3

      ipanganganak-muli: Isiniwalat ni Jesus kay Nicodemo na para makita ng isang tao ang Kaharian ng Diyos, kailangan siyang ipanganak-muli. Makikita sa sagot ni Nicodemo sa talata 4 na akala niya, ang ibig sabihin ni Jesus ay literal na ipanganganak-muli ang isang tao. Pero ipinaliwanag ni Jesus na ang ikalawang kapanganakang ito ay “mula . . . sa espiritu.” (Ju 3:5) Ang mga magiging “anak ng Diyos” ay ipanganganak, “hindi ng kanilang mga magulang o dahil sa kagustuhan ng mga ito, kundi dahil sa kagustuhan ng Diyos.” (Ju 1:12, 13) Sa 1Pe 1:3, 23, gumamit si Pedro ng isang ekspresyon na kasingkahulugan nito; sinabi niya na ang pinahirang mga Kristiyano ay ‘muling isisilang.’ Kahit “ipanganganak-muli” ang mababasa sa karamihan ng Bibliya, may mga Bibliya na ang ginamit na ekspresyon ay “ipanganganak mula sa itaas,” na angkop pa rin na salin, dahil ang salitang Griego na aʹno·then ay karaniwan nang nangangahulugang “galing [o, mula] sa itaas.” (Ju 3:31; 19:11; San 1:17; 3:15, 17) Ang dalawang salin ay parehong nangangahulugan na ang mga papasok sa Kaharian ay makakaranas ng panibagong pagsilang bilang mga “anak ng Diyos,” kaya masasabing isisilang sila mula sa itaas. (1Ju 3:9) Pero kung pagbabatayan ang sagot ni Nicodemo, lumilitaw na ang terminong Griego sa kontekstong ito ay puwedeng mangahulugang “muli.”

      Kaharian ng Diyos: Dalawang beses lang lumitaw ang ekspresyong ito sa Ebanghelyo ni Juan.—Ju 3:5; tingnan ang study note sa Mat 3:2; Mar 1:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share