Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kapag nailabas na niya ang lahat ng tupa niya, pumupunta siya sa unahan nila, at sumusunod sa kaniya ang mga tupa dahil kilala nila ang tinig niya.

  • Juan 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kapag nailabas na niya ang lahat ng sa kaniya, humahayo siya sa unahan nila, at ang mga tupa ay sumusunod+ sa kaniya, sapagkat kilala nila ang kaniyang tinig.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:4

      “Tagasunod Kita,” p. 124-125

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 864-865, 1318-1319

      Ang Bantayan,

      9/1/2004, p. 13-14, 17

      9/1/2002, p. 17-18

      7/15/1994, p. 31

      Gumising!,

      3/22/1988, p. 3-4

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:4

      kilala nila ang tinig niya: Batay sa maraming ulit na pagmamasid sa pagpapastol sa Gitnang Silangan, napatunayan na kamangha-mangha ang kakayahan ng tupa na matukoy ang kaibahan ng tinig ng pastol nito sa tinig ng iba pang pastol o ng mga estranghero. Gaya ng makikita sa sinabi ni Jesus, pinapangalanan ng mga pastol ang bawat tupa kahit napakalaki ng kawan. (Ju 10:3, 27) Maliit pa lang ang tupa, naririnig na niya na tinatawag siya ng pastol sa pangalan habang ginagabayan at sinasanay siya nito. May sariling tunog din ang bawat pastol para makilala sila ng mga tupa nila. Sinasanay ng mga pastol ang mga tupa na makinig sa iba’t ibang tunog na gagawin nila para malaman ng mga ito kung may panganib o kung saan may damo at tubig. Kaya masasabing kilala ng mga tupa ang tinig ng pastol nila, hindi lang dahil sa kaya nilang matukoy ang tinig nito, kundi dahil nararamdaman din nila ang pagmamalasakit at proteksiyon sa kanila ng pastol bilang indibidwal at bilang isang kawan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share