Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Ngayon

Huwebes, Oktubre 30

Anumang antas ng pagsulong ang naabot na natin, patuloy tayong lumakad nang maayos sa gayong landasin.​—Fil. 3:16.

Hindi iisipin ni Jehova na bigo ka dahil hindi mo naabot ang goal na hindi posible para sa iyo. (2 Cor. 8:12) Tingnan ang puwedeng matutuhan. Isipin ang mga naabot mo na. Sinasabi ng Bibliya na “matuwid ang Diyos, kaya hindi niya lilimutin ang mga ginawa [mo].” (Heb. 6:10) Kaya huwag mo ring kalimutan ang mga iyon. Isipin ang mga goal na naabot mo na—maging mas malapít kay Jehova, sabihin sa iba ang tungkol sa kaniya, o pagpapabautismo. Kung nakagawa ka na noon ng pagsulong at nakaabot ng mga goal, makakaya mo ring abutin ang goal mo ngayon. Sa tulong ni Jehova, maaabot mo ang goal mo. Kaya mag-e-enjoy ka rin habang nakikita mo kung paano ka tinutulungan at pinagpapala ni Jehova habang inaabot mo ang goal mo. (2 Cor. 4:7) Kung hindi ka susuko, marami kang tatanggaping pagpapala.​—Gal. 6:9. w23.05 31 ¶16-18

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Biyernes, Oktubre 31

Mahal kayo ng Ama, dahil minahal ninyo ako at naniwala kayo na dumating ako bilang kinatawan ng Diyos.​—Juan 16:27.

Gustong-gustong ipakita ni Jehova sa mga lingkod niya na mahal niya sila at natutuwa siya sa kanila. Sa Bibliya, dalawang beses sinabi ni Jehova kay Jesus na siya ang Kaniyang anak na minamahal at kinalulugdan. (Mat. 3:17; 17:5) Gusto mo bang marinig na sinasabi rin iyan ni Jehova sa iyo? Hindi direktang nakikipag-usap sa atin si Jehova mula sa langit; ginagamit niya ang Bibliya. Kapag binasa natin ang sinabi ni Jesus sa mga Ebanghelyo, para na rin nating naririnig na sinasabi sa atin iyon ni Jehova. Perpektong natularan ni Jesus ang mga katangian ng kaniyang Ama. Kaya kapag nabasa natin na sinabi ni Jesus sa di-perpekto pero tapat na mga tagasunod niya na natutuwa siya sa kanila, puwede nating isipin na sinasabi sa atin iyon ni Jehova. (Juan 15:​9, 15) Kapag nakakaranas tayo ng mga problema, ibig bang sabihin nito, ayaw na sa atin ng Diyos? Hindi. Ang totoo, pagkakataon ito para mapatunayan natin kay Jehova kung gaano natin siya kamahal at na talagang nagtitiwala tayo sa kaniya.​—Sant. 1:12. w24.03 28 ¶10-11

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Sabado, Nobyembre 1

Mula sa bibig ng mga bata at sanggol ay pinalabas mo ang papuri.​—Mat. 21:16.

Kung may mga anak ka, tulungan mo silang maghanda ng komento na bagay sa edad nila. Kung minsan, seryosong mga bagay ang tinatalakay sa pulong, gaya ng mga problemang pangmag-asawa o iba pa. Pero baka may ilang parapo na puwedeng magkomento ang mga anak mo. Ipaliwanag din sa kanila kung bakit hindi sila laging matatawag sa tuwing magtataas sila ng kamay. Makakatulong ito para hindi sila malungkot kapag iba ang natawag. (1 Tim. 6:18) Lahat tayo ay makakapaghanda ng mga komento na magbibigay ng papuri kay Jehova at magpapatibay sa mga kapatid. (Kaw. 25:11) Paminsan-minsan, puwede nating ikuwento sa maikli ang mga karanasan natin. Pero hindi dapat nakapokus sa sarili ang mga komento natin. (Kaw. 27:2; 2 Cor. 10:18) Dapat tayong magpokus kay Jehova, sa kaniyang Salita, at sa bayan niya.​—Apoc. 4:11. w23.04 24-25 ¶17-18

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share