Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 1 p. 14-15
  • Posible ang Buhay na Walang Stress

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Posible ang Buhay na Walang Stress
  • Gumising!—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2020
  • Kung Paano Makokontrol ang Stress
    Gumising!—2010
  • “Mamamayani ang Kapayapaan” sa Ilalim ng Kaharian ng Diyos
    Gumising!—2019
  • Nakabubuting Kaigtingan, Nakasasamang Kaigtingan
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 1 p. 14-15
Isang mag-ama na naglalaro sa alon ng dagat habang nakatingin sa kanila ang iba pang kapamilya.

MAKAKAYANAN MO ANG STRESS

Posible ang Buhay na Walang Stress

Ang karunungan mula sa Bibliya ay makakatulong para maiwasan ang hindi kinakailangang stress. Hindi natin kayang alisin ang lahat ng nakakapagpa-stress sa atin, pero kaya itong gawin ng ating Maylalang. Mayroon siyang inatasan para tumulong sa atin. Ito ay si Jesu-Kristo. Noong nandito siya sa lupa, gumawa siya ng kamangha-manghang mga bagay. Pero sa malapit na hinaharap, higit pa ang gagawin niya para sa buong mundo. Halimbawa:

PAPAGALINGIN NI JESUS ANG MGA MAYSAKIT.

“Dinala nila sa kaniya ang lahat ng dumaranas ng iba’t ibang sakit. . . . At pinagaling niya sila.”​—MATEO 4:24.

MAGLALAAN SI JESUS NG TIRAHAN AT PAGKAIN PARA SA LAHAT.

“Magtatayo [ang mga sakop ni Kristo] ng mga bahay at titira sa mga iyon, at magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito. Hindi sila magtatayo pero iba ang titira, at hindi sila magtatanim pero iba ang kakain.”​—ISAIAS 65:21, 22.

MAGIGING PAYAPA AT TIWASAY ANG LUPA SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI JESUS.

“Sa panahon niya, mamumukadkad ang matuwid, at mamamayani ang kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan. Magkakaroon siya ng mga sakop mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat at mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng lupa. . . . At didilaan ng mga kaaway niya ang alabok.”​—AWIT 72:7-9.

AALISIN NI JESUS ANG KAWALANG-KATARUNGAN.

“Maaawa siya sa hamak at sa dukha, at ililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”​—AWIT 72:13, 14.

AALISIN NI JESUS ANG PAGDURUSA AT KAMATAYAN.

“Mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.”​—APOCALIPSIS 21:4.

“PANAHON NG MATINDING KAIGTINGAN”

“Mas matindi ngayon ang nararanasang stress, pag-aalala, kalungkutan, at kirot ng mga tao kumpara noon.”​—Mohamed S. Younis, isang managing editor ng Gallup.

Bakit normal na lang ang stress ngayon? Sinabi ng Bibliya ang pinakamakatuwirang sagot. Sinasabi ng 2 Timoteo 3:1: “Sa mga huling araw ay darating ang . . . mapanganib na mga panahon ng matinding kaigtingan [o, stress] at kaguluhan.” (The Amplified Bible) Ipinaliwanag ng Bibliya na ang dahilan ay ang masasamang pag-uugali ng mga tao. Sila ay sakim, arogante, marahas, pakitang-tao sa pagsamba, walang pagmamahal sa pamilya, at walang pagpipigil sa sarili. (2 Timoteo 3:2-5) Magwawakas ang mga huling araw kapag namahala na si Jesu-Kristo sa lupa bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, isang makalangit na gobyerno.​—Daniel 2:44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share