Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 12/1 p. 25-27
  • Ang Pagsasanay sa Gilead sa Kabanal-banalang Pananampalataya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagsasanay sa Gilead sa Kabanal-banalang Pananampalataya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Estudyante ay Tumanggap ng Higit Pang Tagubilin
  • Inatasan Bilang mga Misyonero
  • Higit Pang mga Misyonero Para sa Pandaigdig na Pag-aani
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Isang Bagong Tahanan Para sa Paaralang Misyonero ng Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Matagumpay na mga Estudyante na Naging Matagumpay na mga Misyonero
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Graduwasyon ng Ika-83 Klase ng Gilead Tunay na Isang Masayang Okasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 12/1 p. 25-27

Ang Pagsasanay sa Gilead sa Kabanal-banalang Pananampalataya

“ANG ating mga estudyante ay sinanay na mabuti sa kabanal-banalang pananampalataya.” Ito ang pambungad na mga pananalita sa programa ng pagtatapos ng ika-95 klase ng Watchtower Bible School of Gilead, na ginanap noong Linggo, Setyembre 12, 1993. Nang umagang iyon, ang 4,614 na inanyayahang mga panauhin at mga miyembro ng pamilyang Bethel na nagtitipon sa Jersey City Assembly Hall ay pinangunahan sa isang pambungad na panalangin ni George Gangas. Si Brother Gangas ay miyembro ng pamilyang Bethel nang may 65 taon na at sa edad na 97 ay siyang pinakamatandang miyembro ng Lupong Tagapamahala.

Si Albert Schroeder, miyembro rin ng Lupong Tagapamahala at chairman ng programa, ay nagpahayag: “Sa loob ng limang buwan ang kurso sa Gilead ay nakasalig sa kabanal-banalang pananampalataya.” Subalit ano ba ang “kabanal-banalang pananampalataya”? Ipinaliwanag niya na itong “kabanal-banalang pananampalataya,” na binanggit sa Judas 20, ay yaong buong lawak ng katotohanan sa Bibliya. Samakatuwid ang kurso sa Gilead ay nakasalig sa Salita ni Jehova, ang Bibliya, na pangunahing aklat-aralin nito.

Ang mga Estudyante ay Tumanggap ng Higit Pang Tagubilin

Ang unang tagapagsalita ay si John Stuefloten ng Watchtower Farms Committee, na nagsalita tungkol sa temang “Pakikinabang Buhat sa Impluwensiya ng mga Taong Pantas.” Sinasabi ng Bibliya na yaong mga “lumalakad na kasama ng mga taong pantas ay magiging pantas.” (Kawikaan 13:20) Sa kurso sa Gilead, gumugol ang mga estudyante ng mahigit na 900 oras sa pag-aaral ng Bibliya. Nagtanong si Brother Stuefloten sa mga estudyante: “Papaano makaaapekto sa inyo sa hinaharap ang impluwensiya ni Jehova? Kayo ay tutungo sa 18 bansa na may kabuuang populasyon na mga 170 million katao. Kaya papaano ninyo maiimpluwensiyahan ang mga taong iyon?” Sa pamamagitan ng pagpapabanaag ng karunungan ni Jehova, ang bagong mga misyonero ay makatutulong sa iba upang sumamba kay Jehova, ang Bukal ng walang-hanggang karunungan.

“Ang Pagiging Lahat ng Bagay sa Lahat ng Tao” ang tema ng sumunod na pahayag, na binuo ni Lloyd Barry ng Lupong Tagapamahala. (1 Corinto 9:22, King James Version) Mga 45 taóng lumipas, si Brother Barry mismo ay isang estudyante sa ika-11 klase ng Gilead. Ngayon ang ika-95 klase ay nagpapahalaga sa pagtanggap ng praktikal na payo buhat sa isang dating misyonero na may mga taon ng karanasan sa isang lupaing banyaga. Hinimok niya ang mga estudyante na dagling makibagay sa mga tao sa kanilang bagong teritoryo sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-alam sa lokal na kultura at ng pagkatuto sa sariling wika roon. Sinabi niya na ang pinakamagaling na paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng pakikihalubilo at pagganap ng gawaing pang-Kaharian kaugnay ng lokal na mga mamamayan at gayundin sa pamamagitan ng pagkatuto ng kanilang mga kaugalian at pagsunod sa mga ito kailanma’t angkop.

Pagkatapos, si Dean Songer ng Factory Committee ay nagpahayag tungkol sa nakatatawag-pansing tema na “Pinalaya Buhat sa Tungkulin.” Pagkalipas ng mahigit 35 taon ng buong-panahong paglilingkuran, nauunawaan ni Brother Songer kung ano ang ibig sabihin ng mamuhay na may tiyakang tunguhin, simpleng buhay, na nagpapako ng isip sa gawaing teokratiko na kailangang gawin, malaya buhat sa pagkabahala sa materyal na mga bagay. At iyan ang pinakabuod ng kaniyang payo sa mga estudyante. Ang mga mang-aawit sa templo ni Jehova ay pinalaya buhat sa mga tungkuling ginagawa ng ibang mga Levita upang lubusang maitalaga nila ang kanilang sarili sa kanilang pantanging atas. (1 Cronica 9:33) Gayundin naman, ang mga misyonero ng Gilead ay pinalaya na buhat sa ordinaryong mga bagay na gaya ng paghahanapbuhay upang sila’y makapagtutok ng isip sa kanilang natatanging paglilingkuran. Si Brother Songer ay nagtapos na taglay ang ganitong payo: “Manatiling nakatutok ang inyong pangmalas sa buhay at maging simple sa inyong pamumuhay. Ang inyong pananagutan na gaya niyaong mga pinalaya buhat sa tungkulin ay ang gumawa araw at gabi, na pumupuri kay Jehova.”

Si Daniel Sydlik na miyembro ng Lupong Tagapamahala ay sumunod na nagpahayag sa temang “Pagtuturo sa Iba Kung Papaano Kakamtin ang Pinakamagaling sa Buhay.” Hinimok niya ang mga estudyante “hindi lamang upang magturo ng doktrina kundi magkaroon ng sapat na lakas ng loob upang ipakita sa mga tao kung ano ang kailangan nilang gawin upang makasuwato ng kalooban ng Diyos ang kanilang buhay.” Ang mahuhusay na guro ay kinakailangang pumukaw at mangganyak. “Maging palaisip na turuan ang mga tao na paunlarin ang mga pamantayang Kristiyano imbes na turuan lamang sila ng mga alituntunin at regulasyon,” ang sabi niya at isinusog bilang pagtatapos: “Higit sa lahat ng bagay, minamahal na mga kapatid, turuan ninyo ang inyong sarili at turuan ninyo ang iba kung papaano iibig, sapagkat iyan ay isang sakdal na buklod ng pagkakaisa.”​—1 Corinto 13:1-3; Colosas 3:14.

Makalipas ang mga buwan ng pagsasanay, napamahal na sa mga estudyante ang kanilang dalawang instruktor sa Gilead. Si Jack Redford, isang dating misyonero, ang unang nagsalita, sa paksang “Tama ang Inyong Pinili.” Sa sinaunang daigdig ng mga Judio, bago maging isang apostol na Kristiyano, si Pablo ay nasa tungkulin, may prestihiyo, impluwensiya, at katatagan sa pananalapi. Subalit sa Filipos 3:8, lahat ng ito ay tinukoy ni Pablo bilang “isang tambak na sukal,” o “basura,” ayon sa saling Phillips. Ang kaniyang puso ay laging palaisip sa ministeryo, at tama naman ang kaniyang pinili. Sa kabaligtaran, ang karamihan sa sangkatauhan ngayon ay nagpapakita sa pamamagitan ng kanilang mga pinipili sa buhay na itinuturing nilang mas mahalaga ang kanilang materyal na mga ari-arian kaysa buhay na walang-hanggan. Tama ang pinili ng mga misyonero ng Gilead. Si Jack Redford ay nagtapos sa pagsasabi: “Walang maiaalok sa inyo ang sanlibutan ng Diyablo na makakahalintulad ng paglilingkurang misyonero. Ingatan ninyo ang walang-katumbas na pribilehiyong iyan, at hayaang asikasuhin ng sanlibutan ang kaniyang basura!”

Sa lumipas na 32 taon, si Ulysses Glass ay naging isang instruktor sa Gilead. Nagbigay siya sa mga estudyante ng ilang pangkatapusang payo taglay ang temang “Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Isang Punungkahoy,” na ibinatay ang kaniyang pahayag sa Awit 1:3. Ang modernong teknolohiya ay hindi kailanman nagtagumpay na gayahin ang pagkagawa ng isang punungkahoy, na dinisenyo ng Diyos. Sa isang diwa, ang tunay na mga Kristiyano ay katulad ng mga punungkahoy, na itinanim at diniligan ni Jehova. Binanggit ni Brother Glass na sa loob ng limang buwan, ang mga estudyante ay “regular na nadidiligan buhat sa bukal ng nagbibigay-buhay na tubig buhat sa Salita ng Diyos,” tulad ng mga punungkahoy sa isang espirituwal na halamanan o paraiso. Gayunman, bilang mga misyonero, kailangang bantayan nila ang kanilang “espirituwal na mga ugat upang maingatan laban sa kapinsalaan.” Sila’y pinayuhan na ‘patuloy na uminom ng tubig ng buhay na nanggagaling kay Jehova sapagkat tanging ang Diyos ang makagagawa ng isang punungkahoy.’

Ang pangkatapusang pahayag ay ginampanan ni Carey Barber, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala. Makalipas ang 70 taon sa buong-panahong paglilingkod, si Brother Barber ay may pagtitiwalang makapagpapahayag sa paksang “Mag-ukol kay Jehova ng Bukod-tanging Debosyon.” Ang lubhang karamihan ng sangkatauhan ay hindi nag-uukol kay Jehova ng bukod-tanging debosyon. (Deuteronomio 5:9) Gayunman, gaya ng binanggit ni Brother Barber, sa kabila ng ating di-kasakdalan, “maaari naman na tayo’y maging lubusang nakatalaga sa Diyos.” Kaniyang isinusog: “Walang sinuman ang talagang makapagsasabi: ‘Ang Diyablo ang nag-udyok sa akin na gawin iyon.’ ” Ngunit maaari tayong madaig ng Diyablo kung hindi natin siya sasalansangin. (Santiago 4:7) Ang pagiging magawain sa paglilingkuran kay Jehova ang pangunahing paraan ng pagsalansang kay Satanas at sa kaniyang sanlibutan at mapag-ukulan si Jehova ng bukod-tanging debosyon.

Inatasan Bilang mga Misyonero

Natapos ang programa sa umaga sa opisyal na pag-aatas sa lahat ng 46 na estudyante bilang mga misyonero. Ang 23 mag-asawa ay tumanggap ng mga diploma na ang isang bahagi ay nagsasabi na ang mga nagtapos ay “may pantanging kuwalipikasyon na gumanap ng gawaing pagtuturo, nagtataguyod ng kabutihang-loob at gumagawa sa kapakanan ng namamalaging kapayapaan at batas ng sakdal na kaayusan at katuwiran sa gitna ng lahat ng bayan.” Ang ika-95 klase ng Gilead ay tiyak na magsusumikap upang magampanan ang dakilang misyong ito sa 18 bansa na pinag-atasan sa kanila. Ang mga atas ay bumabagtas sa buong daigdig at kasali roon ang mga bansa sa Asia, Aprika, Europa, Latin Amerika, at ang Caribbean.

Sa hapon, pagkatapos ng isang pinaikling Pag-aaral sa Bantayan na pinangasiwaan ni Charles Woody ng Service Department Committee, ang bagong mga nagtapos sa Gilead ay nagtanghal ng kanilang programa ng mga estudyante, na may temang “Kami’y Inihanda ng Gilead na Magturo Bilang mga Misyonero.” Ang sesyon ay nagtapos sa dramang “Ang mga Pagpipiliang Nakaharap sa Amin.”

Pagkatapos ng nagpapasiglang programang ito, ang bagong mga misyonero ay handa na ngayong isugo sa apat na sulok ng lupa upang ibahagi sa iba ang “kabanal-banalang pananampalataya.”

[Kahon sa pahina 26]

Mga Estadistika ng Klase

Bilang ng mga bansang may kinatawan: 7

Bilang ng mga bansang pinag-atasan sa kanila: 18

Bilang ng mga estudyante: 46

Bilang ng mga mag-asawa: 23

Katamtamang edad: 30.06

Katamtamang mga taon sa katotohanan: 12.92

Katamtamang mga taon sa buong-panahong ministeryo: 9.4

[Larawan sa pahina 26]

Ika-95 na Nagtapos na Klase ng Watchtower Bible School of Gilead

Sa nakatala sa ibaba, ang mga hanay ay may bilang mula sa harap palikod, at mga pangalan ay nakatala mula kaliwa pakanan sa bawat hanay.

(1) Buelow, D.; Donzé, V.; Innes, S.; Fulk, N.; Billingsby, M.; Hoddinott, L.; Nygren, B.; Eriksson, L. (2) Boker, J.; Thomas, M.; Stedman, S.; Billingsby, D.; Waugh, I.; Purves, M.; Luttrell, M. (3) Jacobsen, T.; Boker, J.; Martínez, L.; Nilsson, E.; Purves, P.; Holt, L.; Larsen, M.; Jones, L. (4) Numminen, P.; Numminen, H.; Buelow, M.; Olson, W.; Holt, S.; Donzé, G.; DesJardins, C.; DesJardins, D. (5) Larsen, K.; Martínez, D.; Nygren, P.; Waugh, P.; Jones, D.; Hoddinott, J.; Thomas, G. (6) Innes, B.; Fulk, R.; Eriksson, A.; Nilsson, S.; Stedman, J.; Olson, K.; Jacobsen, F.; Luttrell, J.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share