Bagong Programa sa Pansirkitong Asamblea
1 Bilang pagsunod sa mga salita ni Jesus sa Mateo 6:33, laging inuuna ng mga tunay na Kristiyano ang Kaharian sa kanilang buhay. Kaya, “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian” ang siyang angkop na tema ng programa para sa pansirkitong asamblea na magsisimula sa Pebrero, 1994.
2 Buhat sa pasimula ng programa ay itatampok ang katunayan ng Kaharian, na idiniriing ito’y isang nagpupunong pamahalaan na may teritoryo, mga tagapamahala, mga sakop, at mga batas. Sa katunayan, maraming mga batas ng pamahalaan ng tao na pinakikinabangan ng lipunan ngayon ay salig sa mga batas ng Bibliya. Mula noong 1914 nakita natin ang mga epekto ng pamahalaan ng Diyos sa kaniyang mga sakop, na ngayo’y nasa 229 mga iba’t ibang bansa sa lupa.
3 Ang proteksiyon at mga pagpapala na ating tinatanggap dahilan sa pag-una sa Kaharian sa lahat ng bahagi ng ating buhay ay isasaalang-alang. Nakatutulong na payo ang ibibigay upang ipakita kung papaano natin maiiwasan ang hindi kinakailangang pagkabalisa. Ang mga pahayag, mga pagtatanghal, at mga pagtalakay ay magpapakita kung bakit napakahalagang ingatang simple ang ating mata.
4 Sa Sabado ng asamblea, ang mga kuwalipikadong kandidato sa bautismo ay gagawa ng pangmadlang kapahayagan ng kanilang pag-aalay kay Jehova. At sa Linggo, nanaisin nating lahat na maging presente sa pahayag pangmadla na pinamagatang “Kung Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Para sa Sangkatauhan.”
5 Planuhin ninyong maging presente sa dalawang araw na asamblea, at anyayahan yaong mga pinagdarausan ninyo ng pag-aaral sa Bibliya na dumalo rin. Pahihiwatigan kayo ng inyong tagapangasiwa ng sirkito ng petsa nito sa takdang panahon. Ang programa ng asamblea, lakip ang kawili-wiling pagsasamahang magkakapatid, ay maglalaan ng nakapagpapatibay at nakasisiyang pampatibay loob na hindi nanaising kaligtaan ng sinuman sa atin.