Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/95 p. 2
  • Mabisang Paggamit ng Bagong Brosyur

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabisang Paggamit ng Bagong Brosyur
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Tulungan ang Iba na Makasumpong ng Kaaliwan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Aliwin ang mga Nagdadalamhati
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 2/95 p. 2

Mabisang Paggamit ng Bagong Brosyur

1 Sa ating nakaraang pandistritong kombensiyon, tayo’y nalugod na makatanggap ng bagong brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ito’y makatatawag-pansin sa lahat ng mga tao, yamang napakarami na ang nagdalamhati sa pagkamatay ng isang minamahal. Ang nakaaakit na mga ilustrasyon nito ay magpapangyari na ito’y madaling maipamahagi. Sa pahina 29 ang dramatikong larawan ni Lazaro na ibinabangon mula sa mga patay ay nagpapakita ng pagkakaroon ni Jesus ng “matinding hangarin na wakasan ang pamiminsala ng kamatayan.” Ang susunod na buong-pahinang ilustrasyon ay nagpapakita ng maligayang eksena ng pagkabuhay-muli sa bagong sanlibutan. Kay laking pampasigla ito sa puso ng mga nagdadalamhati!

2 Ang brosyur na ito ay dinisenyo upang gamitin sa pag-uusap. Ang mga katanungan ay lumilitaw sa kahon sa katapusan ng bawat seksiyon sa halip na sa ibaba ng bawat pahina. Maaari ninyong gamitin ang “Mga Tanong na Dapat Pakaisipin” sa anumang paraan na sa palagay ninyo’y higit na makatutulong sa inyong estudyante.

3 Kapag dumadalaw, nanaisin ninyong ipakita ang talaan ng mga nilalaman sa pahina 2 at tanungin ang maybahay kung saan siya interesado. Hayaang ipahayag niya ang kaniyang damdamin, at pagkatapos ay ipakita kung papaano makapagbibigay ng kaaliwan ang brosyur. Ang bawat seksiyon ay gumagamit ng maraming teksto ng Bibliya na nagpapakita ng saligan para sa ating pag-asa.

4 Ang sub-titulo sa pahina 5, na “May Isang Tunay na Pag-asa,” ay nagtatampok ng nakaaaliw na pag-asa sa Bibliya para sa mga patay. Dapat na pasiglahin nito ang gana sa “Isang Tiyak na Pag-asa Para sa mga Patay,” na masusumpungan sa mga pahina 26-31. Ang kahon sa pahina 27 ay naglalaan ng “Mga Tekstong Umaaliw.” Madaling makita ng isang nagdadalamhating maybahay na tunay na si Jehova “ang Diyos ng buong kaaliwan.”​—2 Cor. 1:​3-7.

5 Sa isang sensitibong paraan, ang brosyur ay nagpapakita kung papaano maaaring harapin ang kalungkutan sa kamatayan ng isang minamahal at kung papaanong ang iba ay makatutulong sa gayong masaklap na panahon. May kahon sa pahina 25 na pinamagatang “Pagtulong sa mga Bata na Harapin ang Tungkol sa Kamatayan.” Kaypala’y tutulong ito sa mga magulang na kailangang harapin ang suliraning ito.

6 Laging magdala ng ekstrang kopya at gamitin ito sa impormal na pagpapatotoo. Nanaisin ninyong dumalaw sa mga punerarya sa inyong teritoryo upang malaman kung gusto nilang magkaroon ng mga kopya nito upang maaliw ang namimighating mga pamilya.

7 Itinuturing nating isang pribilehiyo na gamitin ang bagong brosyur na ito upang “aliwin ang lahat ng mga nagsisitangis.”​—Isa. 61:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share